Chapter 20 - Officially and Legally
Avia's POV
Natutuwa ako at natuloy na ang date namin ni Kier sa labas. Pasalamat na lang ako at busy sila mommy at daddy sa pagtuklas sa kung ano ang dapat na lunas kay Lorelei.
Pero bakit ganun? Kasama ko si Kier pero ang layo layo ng isip ko. Just like i am physically present but mentally absent.
"Alam mo bang nagresearch ako tungkol sa inyo sa net? Nakakainis lang kasi puro masasama ang sinabi tungkol sa inyo. Dapat talaga hindi ako nagpapaniwala sa internet."
Si Wynner kasi e! Bakit kailangan niya pang bumalik? Bakit kailangan niyang guluhin ang isip ko? Kahapon pa 'to! Gusto ko na ngang hugutin ang utak ko para hindi ko siya iniisip.
"Isa ka palang Hybrid vampire? Sabi dun napagkakatiwalaan ang mga damphyr."
Dapat hindi ko ini-entertain ang feelings ko sakanya. Pinapagulo niya nararamdaman ko. Parang akong nasa echo chamber at puro boses niya ang nakikita ko. Nakakainis na!
"Na-crave ka ba ng dugo ng tao?"
Sasabihan ko nga si Kuya na paalisin na 'yang si Wynner. Pero imposible ata yun kasi kayang magpagaling ni Wynner at kakailanganin siya ngayon namin.
"Gusto mo na bang umuwi?" Untag sa akin ni Kier.
"H-ha? May sinasabi ka?" Napabuntong hininga siya.
"Kasama nga kita pero wala dito ang puso at isip mo. Ano ba iniisip mo?" Parang na-guilty naman ako sa sinabi ni Kier.
"W-wala. Naririnig kita, hindi ko lang naintindihan yug huli mong sinabi." Pagsisinungaling ko. Napatango naman siya saka ngumiti ng malapad.
"Nabobored ka bang kasama ako?" He asked. Umiling naman ako. Hindi naman ako naboboring kapag kasama si Kier eh. I'm actually happy kapag kasama ko siya.
"Marami lang kasing nangyayari sa family namin kaya medyo occupied ako." Pagdadahilan ko sakanya. He nodded. Pasalamat na lang ako at napaka understanding ni Kier.
"May naisip ako." Nakangiti niyang sabi sa akin. I felt like melting. Bakit ba ang ganda ng mga ngiti niya?
BINABASA MO ANG
Vampire City 2: Black Rose
Vampiro[Vampire City Series #2] "Your cold embrace is my sanctuary." -Lorelei. They say history repeat itself. Mauulit nga ba sa kambal ang nangyari sa kanilang magulang? Pero paano kung hindi na mga bampira ang makakaaway nila? Paano kung mortal na an...