Chapter 59 – Antagonist’s Cry
Avia’s POV
We headed to the most islated area of Vampire City. Hanggang ngayon hindi pa namin nahahanap si Hunter at Smitt.
“Medyo may naaamoy akong isang aura. Pero ‘di pa ako sure kung si Hunter na ‘yon.” Sabi sa akin ni Wynner.
“Puntahan natin.” Sabi ko.
“Sige.”
Nag-ikot-ikot kami sa paligid ni Wynner. So far, wala naman kaming nakaka encounter na masama. And thank god kasama ko si Wynner.
“Can you feel it?” he suddenly asked.
“Feel what?” I queried.
“Malapit na tayo kay Hunter.” He said.
“OMG! Ican feel it too. Pero bakit parang mahina lang ang nararamdaman ko sakanya?” I asked him.
Pinakiramdaman ko ang Aura ni Hunter. I know something’s not right.
“Hunter? Hunter, baby where are you?” I called.
“Mabuti pa si Hunter may endearment ka na. Ano naman itatawag mo sa akin? Babe?” he smiled playfully.
“Babe your face! Tulungan mo na lang kaya akong hanapin si Hunter, ‘no?” irap ko.
“Eto naman. I was just kidding.” Natatawa niya pang sabi.
“Tsk!” I rolled my eyes heavenwards saka ko nilibot tingin ko. “Hunter, baby? Nasaan ka? Smitt? Hunter nasaan kayo?”
“Sshhh… Avia—“
“Bakit ba?” iritado kong tanong.
“Keep quiet. May paparating!” he said then bigla na lang niya akong hinila at mabilis na tumakbo paakyat sa isang malaking puno.
“Wasak na daw ang Vampire City. Wahaha. Nagtagumpay si Pinuno.” Rinig kong sabi no’ng isang lalaki. Agad akong kinabahan. Wasak na ang Vampire City? How come? Hindi pa nga isang araw na umalis kami. Narinig ko pang napamura si Wynner ng mahina.
“Nasaan na daw ‘yung tagapag-mana?” tanong pa no’ng isa.
“Patay na daw. Haha”
Hindi na ako nakapag-pigil kaya agad akong tumalon at hinarang sila sa dadaanan nila. Sumunod naman sa akin si Wynner at magkatabi kaming nakaharap sa dalawang lalaki na isa palang Transcendals.
“Saan ang pamangkin ko?!” galit kong sabi. Hindi sila sumagot at inihanda nila ang sarili nila at nilabas ang armas.
“At sino ka?!”
“Sasagot ka ba o tatapusin ko na buhay mo?!” Pagbabanta ni Wynner sa lalaki.
“Hindi kami natatakot sa inyo!” sagot pa no’ng isa.
Pareho kaming nagkatinginan ni Wynner. And without hesistations, agad naming sinugod ang dalawa at sinakal.
“NASAAN ANG PAMANGKIN KO AT ANONG NANGYARI SA VAMPIRE CITY?!” Galit kong sigaw. Hindi ko kasi mapigilan ang galit. Gustong-gusto kong pumatay.
“A-ack~ H-hindi ko a-alam kung a-ano ang nangyari sa p-pamangkin mo! P-pero ‘yung Vampire City, w-winasak na ng Pinuno namin!”
Bigla ko na lang naluwangan ang pagsakal ko sa lalaki. Sila Mommy at Daddy! Tapos si Kuya. Ano na kayang nangyari sakanila!

BINABASA MO ANG
Vampire City 2: Black Rose
Vampire[Vampire City Series #2] "Your cold embrace is my sanctuary." -Lorelei. They say history repeat itself. Mauulit nga ba sa kambal ang nangyari sa kanilang magulang? Pero paano kung hindi na mga bampira ang makakaaway nila? Paano kung mortal na an...