Chapter 34 - I Won’t Let Go
Song for this chapter: Somewhere in the middle by Dishwalla
Lorelei’s POV
Tatlong araw! Tatlong araw na kaming walang communication ni Aric! Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sakanya. Nag-aalala na tuloy ako, baka kung ano nanaman nangyari.
“Nyx, eto ‘yung mga pinabibili mo.” Binigay sa akin ni Kyla ang paper plate at barbeque stick. Nasa sea side kami ngayon at kumakain. Eto ‘yung lugar na unang pinagdalahan sa akin ni Trever noon. Ewan ko nga kung bakit naisipan kong pumunta dito.
“Salamat.” Simple kong sagot. Tinignan naman niya ako na parang nadidiri. “What?” inosente kong sabi.
“You’re weird, alam mo ‘yun? Sa pagkaka-alala ko, diring-diri ka sa betamax. Bakit ngayon naka-tatlong stick ka na?” takang tanong n’ya. Nagkibit balikat lang ako. Hindi ko rin alam eh, siguro ngayon ko lang na-realize na masarap talaga ang betamax.
“Alam mo bang hindi nagpapakita sa akin si Edric?” napatingin naman ako sakanya. Siya din? Luh? Baka may problema nanaman sila?
“Sa’kin din eh, baka busy lang.” sabi ko habang panay kain.
“Pero kahit na. Nangako sa akin ‘yung lalaking ‘yun eh! Makita niya, aawayin ko siya!” pababanta ni Kyla. Nailing na lang tuloy ako. Poor Edric.
“Basta ako, may tiwala ako kay Aric. Nangyari na din ‘to dati eh. Matagal siyang hindi nagpakita kasi may inaasikaso. Try to understand Edric. Baka ganun lang din.” Sabi ko.
“Sabagay.” Sabi niya.
“Manuod tayo ng sunset.” Sabi ko.
“Huh? Mamaya pa ‘yang 6 eh. Alas tres pa lang kaya.” Sabi niyang nakatingin sa relos. “Tsaka may exam tayo bukas para sa final exam. We need to review.” She reminded me.
“Oo nga pala. Next time na lang tuloy.” Uminom ako ng pineapple juice na binili sa akin ni Kyla. Muntik ko ng isuka dahil sa ‘di ko nagustuhan ‘yung lasa.
“Ack~ Bakit ganito ‘to?!” Sabi kong nakatingin sa in-can pineapple juice.
“Alin?” takang tanong n’ya.
“Mapait ‘tong Pineapple juice! Nakakasuka!”
“Patikim nga!” inagaw niya sa akin yung in-can saka uminom. “Hindi naman ah! Matamis nga eh!” aniya tapos binalik sa akin. “Epekto siguro ng pag-kain mo niyang betamax. Nagkahalo-halo na.”
“Ay Oo nga. Naku, hindi ko na ulit ‘to pagsasamahing dalawa. Yuck pala ang lasa eh!”
4PM pa lang nang mapagdesisyunan naming umuwi, magrereview kasi kami at baka dalawin ako mamaya ni Aric sa kwarto. Namimiss ko agad s’ya eh.
Pagdating sa bahay, nakita ko si Tito Kent na naka-cross legs habang nagsasagot ng cross word puzzle. Hindi ko pa nakausap si Tito simula nung conversion n’ya.
“Tito Kent.” Tawag ko. Tumango lang siyang hindi tumitingin sa akin. “Tito, kausapin niyo naman po ako oh. Namimiss ko na kulitan natin.” Naka-pout kong sabi. Tumingin naman siya at naningkit ang mga singkit niyang mata.
“What do you want?” He asked coldly.
“B-bakit po ganyan na kayo?” Naluluha kong sabi.
“Nyx, I am now a fvcking vampire. How do you expect me to live in a place full of people? Kung alam mo lang kung gaano ko tinitiis ang amoy niyo. Gusto kong gawing hapunan ang mga katulong!” nagulat naman ako. Bakit hindi ko naisip ang possibilities? Malamang makakaramdam siya ng gutom.
BINABASA MO ANG
Vampire City 2: Black Rose
Vampiri[Vampire City Series #2] "Your cold embrace is my sanctuary." -Lorelei. They say history repeat itself. Mauulit nga ba sa kambal ang nangyari sa kanilang magulang? Pero paano kung hindi na mga bampira ang makakaaway nila? Paano kung mortal na an...