Chapter 18 - Possessed

57.8K 1.4K 55
                                    

Chapter 18 - Possessed

 A.N: Play the video on the right side. It's the song for this chapter Hear you me by Jimmy Eat World. It's one of my favorite song at yan yung background music ko habang sinusulat 'tong update na 'to. :))

Aric's POV

Isang buong araw ko ng pinagmamasdan si Lorelei habang tulog. Alam kong nag-aalala nanaman ang Tito niya sakanya kaya kanina pinakiusapan ko si Edric at si Kyla na sabihan ang Tito ni Lorelei na may outing ito. Hindi ko na alam kung ano pa ang sinabi nila basta mapaniwala ang Tito niya.

"Hindi ko talaga alam kung ano ang nangyayari sakanya, anak. Papunta pa lang dito ang iyong Lolo at Lola kaya sila ang makakaalam kung ano ang nangyari kay Lorelei." Sabi sa akin ni Daddy.

I sigh in defeat. Nag-aalala ako sa kalagayan ni Lorelei. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sakanya.

Nakuyom ko ang kamay ko sa sobrang galit. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko at kusang lumabas ang mga pangil sa loob ko. Gusto kong pumatay ng Transcendal vampires. Alam kong hindi dapat ako nagpapatalo sa galit ko pero hindi ko matanggap na wala akong magawa sa nangyayari kay Lorelei.

Nakita kong dumating si Avia at nag-aalala din. Tumabi siya sa akin at alam kong nakikisimpatya siya sa akin.

"Magiging ok din siya, Kuya. H'wag kang mag-alala." Hinagod ni Avia ang likod ko. Tipid ko lang siyang nginitian.

"Alam mo kung ano ang masakit, Avia? Yung nandito naman ako sa tabi niya pero hindi ko mapalis ang sakit na nararamdaman niya."

"H'wag kang maging mahina, Kuya. Lorelei needs you more that ever kaya kailangan mong maging malakas. Hindi mo dapat sakanya pinaparamdam na mahina ka kung kailan kailangan ka niya. Be strong."

Pasalamat na lang ako at nandito si Avia. Mas nagiging malakas ako sa mga sinasabi niya.

Tumingin ako kay Lorelei at wala pa din siyang malay. Iniwan muna ako ni Avia para daw mapagsolo ko muna si Lorelei.

"Please wake up, my Lorelei. Nahihirapan akong makita kang ganito." I held her hand saka ko yun nilagay sa pisnge ko.

"Itatakas kita. Tatakasan natin ang lahat. Mahal.. na mahal kita." Isinuklay ko ang daliri ko sa buhok niya.

"Kapag gumising ka, dadalhin ulit kita sa Cliff ng Rain Forest. Diba gusto dun kasi tahimik?" Hinaplos ko naman ang makinis niyang balat sa mukha. Hindi masaya ang mukha ni Lorelei. Nasasaktan siya kahit tulog. Gusto ko siyang yakapin at kunin ang sakit na nararamdaman niya. Kung pwede itong maipasa sa akin para hindi na siya maghirap.

Vampire City 2: Black RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon