Chapter 15 - Transcendal Vampires
Lorelei's POV
"Blood Donor?! Are you insane?! Taga red cross ka ba?! Ano?! Nauubusan na kayo ng dugo at kailangan niyong mang kidnap para lang makakuha ng dugo?!" I almost shout at their blurred faces. Hindi ko maintindihan ang pinagsasabi nila. Bagskus, tinawanan lang nila ulit ako ng malakas.
"Hahahaha! Akala mo ba nakikipagbiruan kami sayo?! Eh kung igaya ka namin sa magulang mo magiging matapang ka pa kaya?" I swear i saw him grinned. Para siyang isang demonyo. Napakatalas ng mga mata niyang namumula.
"Dahil sa akin kaya yumaman ang magulang mo. They become my blood donors to feed my thirst. Kapalit ng iaalay nilang dugo ay isang kayaman. They're loyal to me hanggang sa tinalikuran nila ko. Umanib sila sa pamilya ng pinakamamahal mong Prinsepe." Napamaang ako. Pamilya ni Aric? May alam si Aric dito?
"We are the Transcendal vampires at nabubuhay kami sa dugo ng isang pure human. Kailangan namin ng isang constant blood donor only. Hindi kami kagaya ng Sanguinarians na kung sino-sinong tao ang pinapatay para lang makalasa ng dugo." Ngumisi siya at nilapit ang mukha sa akin.
"And i can smell your pure clean blood. That's why i like you to be my blood donor." he said in a husky voice. Napailing naman ako.
"Hinding hindi ako papayag sa kagustuhan mo. Hinding hindi ako magiging blood donor mo! Mas gugustuhin ko pang mamatay kesa maging instrumento ng isang kasamaan!" I smugged at him. Biglang nag-iba ang expression ng mga mata niya.
"Don't be such a fool! Binibigyan kita ng chance para mabuhay ng matagal but you're rejecting the offer." He stand up at humawak sa baba niya.
"Ano na kayang ginagawa ng pinakamamahal mong Aric ngayon? I'm sure he's on his way to save you!"
Pinilit kong kumawala sa pagkakatali sa akin.
"Don't.. H'wag mong idadamay si Aric dito! Please!" I begged.
"Then be my blood donor. Just say yes. Hindi ko gagalawin si Aric.. including your friend Trever and Kyla."
Para namang nanghina ako. Kaya na ni Aric ang sarili niya. But Trever and Kyla?
"Ano bang naging kasalanan ko sayo at ginagawa mo ito sa akin?" i cried. Hindi ko gustong madamay ang mga tao sa paligid ko.
"Ikaw ang kabayaran ng kasalanan ng magulang mo sa akin. Ikaw ang magiging constant blood donor ko wether you like it or not." he says like i don't have a choice. Napapikit na lang ako. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ng mga magulang ko para galitin ang isang nilalang na tulad niya. Pakiramdam ko wala na akong pag-asa. Parang wala na akong choice kundi um-Oo sakanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/11133642-288-k968174.jpg)
BINABASA MO ANG
Vampire City 2: Black Rose
Vampire[Vampire City Series #2] "Your cold embrace is my sanctuary." -Lorelei. They say history repeat itself. Mauulit nga ba sa kambal ang nangyari sa kanilang magulang? Pero paano kung hindi na mga bampira ang makakaaway nila? Paano kung mortal na an...