Chapter 33 - Unlove Me

63.2K 1.4K 65
                                    

Chapter 33 -Unlove Me

Hi guys! I made a new trailer. Wynner-Avia-Kier's Story. Panuorin niyo sa gilid. :) Enjoy!

Lorelei's POV

I woke up alone in my bed. Where's Aric? Katabi ko siya kagabi eh. Ah~ baka umuwi muna sa kanila. Kinusot-kusot ko mata ko. Napatingin ako sa bedside table ko. Nakalapag dun 'yung phone ko. Tinignan ko siya.

Missed calls and texts all from Kyla. Haaay! Namimiss ko na ang bestfriend ko. I pressed return call. Hindi pa nakakadalawang ring na sagutin niya agad 'to. Wow naman. Inaabangan niya ba tawag ko?

[KYAAAAA~] Ay po! Ang sakit sa tenga!

"Kyla! Kung makasigaw ah!"

[Bakit ngayon ka lang tumawag, ha? Nakauwi ka na ba? Nasa school ako. Puntahan kita dyan!]

"Ha? Naku h'wag na--" 

*Ttootooot!*

 

Binabaan ako? Babae talagang 'to. Bumaba na lang ako sa kwarto. Nakita ko si Yaya na naghahanda ng napakaraming pagkain. When was the last time i ate big? Hindi ko din maalala. Sa daming nangyari ngayon, parang hindi ko na ata maalala kung kailan ako huling kumain.

Nakarinig ako ng pababa sa hagdan, pasilip ko si Tito Kent nakasuot ng black suit at mukhang pupuntang office.

"Hijo, mag-agahan ka muna. Masama ang hindi kumain ng breakfast." Sabi ni Yaya. Si Tito naman tinignan lang ang pagkain.

"I don't eat." Sabi n'ya tapos umalis na. Oo nga pala, dahil sa vampire na si Tito hindi na siya kakain. Wala na pala akong kasalo sa dining table kung kakain.

Pagkatapos kong lumamon, Oo lamon talaga. Dumeretso ako sa kwarto ko. Dapat pumasok ako ngayon kasi alam kong super behind na ako sa klase, pero wala ako sa mood. Tinatamad ako at tanging gusto ko lang humiga at matulog.

Kumportable na akong nakahiga habang nanunuod sa TV, nang biglang bumukas ang pinto ko at pumasok si Kyla. Nagulat na lang ako nang bigla siyang sumugod sa akin at niyakap ako.

"Ack~ K-ky...Kyla! C-can't... Can't breath!" Nahihirapan kong sabi. Miss ko na din siya pero kailangan talaga akong sakalin? Napaubo ako ng kumalas siya sa akin.

Vampire City 2: Black RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon