UT 12
Kristen's POV
"Ay kabayo!" Napahawak ako sa dibdib ko. "Anong ginagawa mo diyan?"
"I'm just waiting for you babe."
"Bakit? Teka nga, may lakad ka ba? Saan ka pupunta?" Tinignan ko ang suot niya.
"Magjo-jogging tayong dalawa babe. Go change your clothes."
"Jogging? Ayoko nga nun! Nakakapagod. Kumain na lang tayo sa Jollibee ulit."
"Babe remember ikaw pa nga ang palaging naga-aya sakin mag-jogging diba? You always want yo jog with me. Kahit sa gym gusto mo kasama mo ko dahil ayaw mong tumaba."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit? Mataba na ba ko ha!" Inis na sabi ko.
"That's not what I meant babe. I was just trying to do the things you love doing. Baka kase masyado ng naka-focus sakin yung buhay mo. Nakakalimutan mo ng gawin yung mga gusto mong gawin."
"Ayoko nga kaseng mag-jogging! Nakakapagod yun!"
Tinaasa niya yung dalawang kamay niya. "Okay. Calm down babe. Hindi na kung hindi." Lumapit siya sakin at hinawakan ako sa balikat. "What do you want to do then?"
"Kumain sa Jollibee." Nakangusong sabi ko.
"If that's my babe wants then let's go." Hindi ko naman napigilan ang mapangiti. Kung ganito ba naman ang magiging boyfriend at asawa mo, sobrang swerte mo ng babae. "Palit ka na ng damit dun babe."
"Okay na tong damit ko Axis. Tara na." Nagulat ako ng hinawakan niya ang hita ko. "Axis ano ba!"
"I'm just checking your clothes babe." Tumalikod siya sakin at may kinapa sa couch. Nagulat ako ng bigla niyang isinuot sa akin yung jacket niya. "Alam kong yang katigasan na naman ng ulo mo ang papairalin mo at hindi ka magbibihis kaya just wear that."
"I love you Axis." Hindi ko napigilang sabihin. Nararamdaman ko ang mga luhang nagbabadyang bumagsak mula sa mga mata ko.
"I love you so much babe." That's better. Pwede kong isipin na para sakin naman muna yung I love you niya kahit ngayon lang.
***
"Nakakabadtrip naman."
"Why?"
"Alam mo kung pwede lang kitang itago sa bulsa ko, ginawa ko na. Nakakainis yung mga mata nung mga babaeng tumitingin sayo e. Ang sarap dukutin!"
"You're jealous again." He pinched my cheek.
"Sino bang hindi magseselos kung harap-harapan ka na nilang hinuhubaran gamit ang titig."
"Wala naman silang makikitang iba e. Ikaw meron." Nag-init bigla ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. "Nahahawakan mo nga pa diba?" Bulong niya.
"Alistair umayos ka ha."
"What? Maayos naman ako a." Natatawang sabi niya.
"Nakakainis ka din!" Iritang sabi ko bago umorder ng pagkain.
"Babe? Hindi mo ba talaga ko papansinin?"
"Bahala ka sa buhay mo." Kumagat ako sa burger ko.
"I love you." He said kaya hindi ko napigilan ang mapangiti.
"..."
"I love you babe."
"..."
"I. Love. You."
"..."
"Mahal na mahal ko ang babe ko."
"..."
"I love you so much babe."
"..."
"Nakakatampo naman. Hindi na ata ako mahal ng babe ko kaya natitiis na-"
"Oo na Axis. I love you! I love you too!" Hindi ko na napigilang itago ang kilig na nararamdaman ko. Parang sasabog na talaga yung puso ko e.
"Sabi ko na nga ba hindi mo ko matitiis e."
"Siyempre mahal kita e." Pag-amin ko sa tunay kong nararamdaman.
Mahal kita Axis. Sana mahalin mo din ako hindi bilang si Alice, kundi bilang si Kristen Starr.
***
BINABASA MO ANG
UNSEEN TRUTH
Teen FictionThe most important sense is the sense of sight. Without sight, we are people roaming this world without a vision. Without vision, we have no goals, nor do we have any desires, and we would not be able to bring positivity into this world. -Hiral Des...