UT 24
Kristen's POV
Hindi ko na namalayan na nandito na pala ako sa bar na madalas pag-usapan ng mga kaibigan ko.
I never went to this kind of place before but I think I need this now.
"Excuse me Miss, bawal ang below 18 dito."
"Thanks for the compliment but I'm 21 years old now."
"ID?" He asked.
"I don't have any ID with me. I forgot to bring it."
"Pasensiya na Miss pero hindi ka talaga makakapasok."
"Please naman kuya o. 21 na talaga ko!"
"That's our policy. Pasensiya na po talaga."
"Ah basta! Papasok pa din ako sa ayaw at gusto mo! 21 na ko kaya I have every right to come here!"
"Kristen?" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. "What happened to you? Okay ka lang ba? Bakit ganyan ang itsura mo?" Sunod-sunod na tanong niya.
"Cathy.." I hugged her and started to cry. This is what I really need. A shoulder to cry on.
"Halika sa loob." Naramdaman ko ang pag-ganti niya sa yakap ko.
"Cathy. Ayaw akong papasukin ni manong."
"Kuya, kasama ko siya." Sabi niya sa bouncer at agad naman kaming pinapasok.
Nakabibinging ingay at usok ang sumalubong sakin sa loob.
"Ang ingay-ingay naman dito." Hindi ko napigilang sabihin.
"Malamang inday bar tong pinasukan mo. Halika doon tayo." Inirapan niya ko.
Inaya niya ko sa pinakadulong couch na nandito sa bar.
"Cathy? Bakit kasama mo si Kristen?" Napatingin ako kay Aya na biglang napatayo ng makita ako.
"Nakita ko siya sa labas ng nagpupumilit na makapasok tapos bigla na lang umiyak sakin." Ibinaba niya yung bag niya. "May juice kaya sila dito para sa kanya?"
"Gusto ko ng alak."
"Hindi ka naman sanay uminom nun. Mango shake or watermelon?" Aya asked.
Imbis na sumagot ay ininom ko bigla ang nakapatong na alak ni Aya sa table.
Ramdam ko ang pait at init sa lalamunan ko. Hindi ko pa na-try kahit minsan ang uminom, ngayon pa lang.
Tinungga ko ulit ang isa pang baso na nakita ko. "Wooooh! Ang pait!" I yelled.
"Tama na yan Kristen. Hindi ka naman sanay uminom, baka malasing ka." Awat nila sakin.
"Totoo bang ang alak, nakakatulong para makalimot?" Wala sa sariling tanong ko.
"Kristen. Ano ba talagang problema?" Tumabi sakin si Aya.
"Gusto ko na makalimutan lahat Aya. Gusto kong mawala na siya sa isipan ko. Lalong-lalo na dito o." Tinuro ko yung dibdib ko. "Ang sakit-sakit na. Akala ko madali lang tong pinasok ko e."
"Kristen.."
"Kinain ko lahat ng sinabi ko dahil aminin ko man o hindi, mahal na mahal ko siya. Akala ko madali lang na iwan siya dahil umpisa pa lang naman alam ko ng pagpapanggap lang ang lahat. Umpisa pa lang alam ko na dadating ang panahon na aalis ako at magiging nakaraan lang niya na kailanman ay hindi niya malalaman pero hindi e. Ang sakit-sakit talaga."
"Hindi mo naman kailangang solohin ang lahat Kristen. Nandito kaming dalawa ni Cathy para sayo." Hinawakan ni Aya ang kamay ko. "Ano ba kaseng nanyare?"
Ngumiti ako ng pilit. "Dumating na yung tunay na babaeng mahal niya. Dumating na si Alice." Tumulo na naman ang mga luha sa mga mata ko. "Nang makita ko sila kanina, para bang ipinamukha sakin na hiram lang yung mga oras ko. Ipinakita sakin kung sino ba talaga ang tunay na nagmamay-ari sa kanya. Ang bilis ng pangyayari."
"Patawarin mo ko Kristen. Hindi ka sana nagkakaganyan kung hindi dahil sakin." Umiiyak na din na sabi ni Aya. "Ako yung namilit sayo na magpanggap bilang Alice. Hindi ko naman inakala na dadating sa ganito ang sitwasyon e. Sorry talaga. Gusto ko lang naman sanang makatulong-"
"Shh.." I hugged her. "Wala kang kasalanan Aya. Sabi niyo nga, may dahilan ang lahat. Wala akong pinagsisihan kaya sana wag mo ding sisihin ang sarili mo."
"Parte ng pagmamahal ang sakit. Kaya ka nasasaktan ngayon Kristen ay dahil mahal na mahal mo na siya."
"Tama ka Cathy. Mahal na mahal ko siya pero hindi na pwede." Umiling ako. "Dahil ako, panandalian lang. Yung totoong mahal niya ay bumalik na. Kahit masakit, tatangapin ko basta sumaya lang siya."
Naramdaman ko ang yakap nilang dalawa ng muli na namang tumulo ang luha ko.
Kahit ulit-ulitin ko man ang mga nangyare, gagawin ko. Wala akong pagsisisihan. Ganun ko siya kamahal.
***
Paano na si Axis at Kristen? 💔
BINABASA MO ANG
UNSEEN TRUTH
Teen FictionThe most important sense is the sense of sight. Without sight, we are people roaming this world without a vision. Without vision, we have no goals, nor do we have any desires, and we would not be able to bring positivity into this world. -Hiral Des...