UT 30

947 39 15
                                    

UT 30

Aya's POV

"Bakit ka ba kase pumunta dun sa restaurant na yun kuya?" Hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses ko.

Nandito kami ngayon sa isang coffee shop na alam kong imposible ng puntahan ni Kristen.

Ayoko na muna silang magkita dahil alam kong nasasaktan ang kaibigan ko.

Hindi ko tuloy maiwasan na sisihin ang sarili ko dahil sa nangyayari sa kanya. Pakiramdam ko, ako ang may kasalanan kung bakit siya nasasaktan.

Nakita ko na naman siyang umiyak kagabi. Alam kong nasasaktan siya tuwing nakikita niya ang pinsan ko, pero pinigilan ko naman diba? Kaso nangyari pa din.

"What's wrong going with that restaurant? At bakit mo sinasabi sakin na hindi masarap, kung masarap naman ang mga luto nila? Isa pa, your friend owns that restaurant."

Natigilan ako. "Ano kase kuya inaasar ko lang naman palagi si Kristen na hindi masarap pero siyempre masarap dun no. Libre kaya kami ni Cathy dun."

Tinitigan niya lang ako at alam kong hindi siya naniniwala sa sagot ko.

"Kamusta nga pala kayo ni Alice, kuya?" Pagi-iba ko ng usapan.

Natahimik siya sandali. "I don't know." Nagkibit-balikat siya.

"What do you mean you don't know?" Takang tanong ko.

"You know how much I love her right?" He asked. Bakas sa mukha niya na nalulungkot siya sa nangyayari sa kanila ngayon ni Alice. I know how much he loves her. Alam ko naman na si Alice talaga ang pinakadahilan kung bakit siya napapayag na magpa-opera.

Gusto niyang bumalik sa normal ang buhay niya. Gusto niyang maalagan ang taong mahal niya at gusto din niyang makita ang magiging pamilya na bubuuin nilang dalawa.

"Oo naman. Saksi ako e. Bakit mo natanong?"

"I don't know what's happening to me. I still love her but she changed. A lot."

"Anong ibig mong sabihin na she changed?"

"Parang ibang tao yung nakasama ko nung bulag ako kaysa sa taong nakikita ko ngayon. I know it's impossible pero ang lakas talaga ng pakiramdam ko. Parang may mali. Pakiramdam ko ibang Alice ang nakakaharap ko ngayon."

"Kuya.." I held his hand.

"I know it sound crazy but I miss that Alice. Kung pwede nga lang na mabulag ako ulit hihilingin ko, mapabalik lang yung Alice na yun. Aminin ko man o hindi, mas mahal ko yung Alice na yun. Hindi ko man siya nakikita, alam kong mahal niya ko."

"Kuya paano kung ibang babae pala yung nakakasama mo nung bulag ka kaysa sa nakikita mo ngayon?"

Natigilan siya sa tanong ko. "You're kidding right?" He asked.

"Of course." Ugh. I'm so stupid. Bakit ko nga ba tinanong yun? "Never mind kuya. Nadadala lang siguro ako ng mga librong nababasa ko." Pinilit kong tumawa kahit na ang gusto kong gawin ay saktan ang sarili ko. I just gave him a hint!

"I know that's impossible. Pero kung sakaling totoo man yan, I will choose the girl that I was with when I was blind."

"What?" Gulat na tanong ko.

"You heard me. Kung sakaling ibang babae man ang nakasama ko, pipiliin ko siya."

"Oo. Narinig ko pero bakit siya ang pipiliin mo?"

"Kase yun yung sinasabi nito." Tinuro niya yung dibdib niya. "Iba ying ipinaramdam niya sa akin noong hindi ko siya nakikita. Mas naramdaman ko ang pagpapahalaga at pagmamahal niya sa akin. Hindi kagaya ngayon, nakikita na nga siya ng dalawang mata ko, pero para naman akong hangin sa kanya."

I smiled. Pakiramdam ko nagkaroon ng malaking pag-asa ang kaibigan ko pero alam ko din na pipiliin niyang manahimik na lang at wag ipaalam kay Axis ang katotohanan.

"Oh teka saan ka pupunta?" Nagulat ako ng bigla siyang tumayo.

"I know it's impossible but I need to know the truth."

"Anong truth? What do you mean kuya?"

"Aalamin ko kung iisa lang ba ang Alice na nakasama ko noon sa kasama ko ngayon."

"Pero kuya-" Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko papunta sa aking ulo. Anong pinaplano niya?

"I'll do something to find out the truth." He said before leaving me.

Hindi niya pwedeng malaman yung ginawang pagpapanggap ni Kristen. Baka hindi niya maintindihan kung bakit namin ginawa yun, and worst ay magalit pa siya sa bestfriend ko. What should I do?

UNSEEN TRUTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon