UT 28
Axis' POV
"Hello?" Agad kong sinagot ang phone ko ng tumunog.
"Kuya! Grabe ka! Hindi mo man lang ako sinabihan na nakabalik ka na! Parang wala tayong pinagsamahan a!"
"Aya calm down. Masyadong masakit sa tenga yang boses mo."
"Sorry naman. Ikaw may kasalanan e. Hindi mo man lang ako sinabihan. Kung hindi ko pa binisita si tita Beca, hindi ko pa malalaman."
"I'm sorry. I was just really busy. Madami lang akong inasikaso."
"Busy with whom? Alice? Psh. Bigyan mo naman ako ng time kuya Axis. Nakakatampo ka na e."
"Oo na Aya. Are you free right now?"
"Of course! Libre mo ha?"
"Oo naman. Kelan ka ba nagbayad ng kasama mo ko? Nasan ka ba? I'll fetch you."
"Nasa Kristair ako kuya e."
Kristair?
"Is that a restaurant? Saan ang location niyan? Pupuntahan kita diyan."
"What? NO! Wag kang pupunta dito!"
"What? I thought you want to go out with me?" Takang tanong ko.
"Oo nga pero wag ka ng pumunta dito. Magkita na lang tayo sa ano.. sa mall. Oo doon na lang para hindi ka na mapalayo."
"Okay sige. I'll just see you there. You take care."
"Okay. Bye kuya!" Paalam niya pero hindi pa din ako mapakali sa pangalan ng restaurant na binanggit niya.
Why does my heart beat so fast just because of that restaurant?
Something is really bothering me and I need to find out soon.
***
"Wow! Parang mas gumwapo ka ata ah?"
"Malabo lang talaga ang mga mata mo noon kaya hindi mo napapansin."
"Yabang mo pa din. Okay lang na magyabang ka, basta ililibre mo ko ha."
"Oo naman. Ano bang gusto mo?" I asked.
"Nuod tayong sine pero bili muna tayo ng coffee pwede?"
"Oo naman. Let's go."
"Doon na lang tayo sa bagong coffee shop na malapit sa movie house. Hindi ko pa nata-try doon e."
"Sure. Let's go." Aya ko. "So kamusta naman ang pinakamaganda kong pinsan?"
"Eto nagmamaganda pa din." Mayabang na sagot niya. "Charot! Okay naman ako kuya. Maayos naman ang trabaho sa opisina kaya hindi ako stress. Ikaw ba?"
"I'm good. Hindi pa din ako makapaniwala na sucessful ang operation."
"Masaya akong nakakakita ka na kuya."
"Masaya din ako Aya. Tama ang naging desisyon ko."
"Kamusta naman kayo ni Alice?" Natahimik ako sa tanong niya. "Okay ka lang ba kuya? May problema ba kayo?"
"Wala naman." Pinilit kong ngumiti.
"You're lying." She said. "Alam mo naman kuya na nandito lang ako sa tabi mo diba? I can always listen to you."
"Napansin ko lang na parang nagbago siya simula ng makita ko."
"Paano mo naman nasabi yan?"
"Magulo Aya e. Hindi ko din talaga maipaliwanag. Yung Alice na nakilala ko ng bulag ako, ibang-iba sa Alice na kasama ko ngayon."
"Sinong Alice naman ang mas gusto mo kuya?"
Napahinto ako sa paglalakad dahil sa tanong niya. Sino nga ba?
"Kung ako ang papipiliin, gusto ko yung Alice habang bulag ako. Kahit hindi ko siya nakikita, ramdam na ramdam ko naman ang pagmamahal niya."
***
"Si Cathy ba yun?" Turo ko sa babaeng nakaupo malapit sa counter ng makapasok kami sa coffee shop na gusto niyang puntahan.
"Sh*t. Halika na kuya. Sa iba na lang tayo pumunta." Nabigla ako ng mag-aya na paalis si Aya.
"Hindi man lang ba natin siya babatiin?"
"Hindi na! T-tara na kuya. M-magkagalit kase kami ngayon.. ano.. k-kaya wag muna." Nauutal na sagot niya kaya lalo akong nagtaka.
"Mabuti pa, pag-usapan niyo na agad yan. Lumapit na tayo sa kanya para magkaayos na kayo agad." Hinila ko na siya palapit sa table ni Cathy.
"Kuya wag muna-"
"Hi Cathy!" I greeted her friend.
"Kuya Axis.. Aya.. Anong ginagawa niyo dito?" Ramdam kong kinakabahan siya sa paraan ng pagtatanong niya.
"Manunuod sana kami ng movie ni Aya tapos nakita ka namin. Nabanggit niya kase na magkagalit nga daw kayo."
"Magkagalit?" Kunot-noong tanong niya bago napatingin kay Aya. "Ah oo. Pero hindi naman grabe kuya. Kaunting tampuhan lang yun kaya naman naming ayusin."
"If that's the case, do you want to join us? Oh I'm sorry, are you alone by the way?"
"Ano kase kuya.. ano-"
"Besh halika na sa loob baka ma-late pa tayo sa movie-" Agad akong napatingin sa nagsalita dahil akala ko si Alice.
"Naku ang mabuti pa, mauna na kami sa inyo. Baka hindi pa namin maumpisahan ang movie." Hindi ko pinakinggan si Cathy dahil ang buong atensiyon ko ay nasa babaeng kaharap ko ngayon.
"Kristen. Aalis na daw kayo." Agad na naagaw ng pansin ni Aya ang atensiyon ni Kristen.
"Hindi mo man lang ba ko ipapakilala sa kaibigan mo Aya?" Hindi ko pa din inaalis ang paningin ko sa kanya.
"Hm.. Kristen pinsan ko nga pala si Kuya Axis. Kuya si Kristen. Nakikita mo na siya dati diba?"
Tumango ako. "I'm Axis." Inilahad ko ang kamay ko sa harapan niya para makipagkilala. "Madalas kitang makita before pero ngayon lang talaga nagkaroon ng chance na makilala ka in person. By the way I'm sorry kung natitigan kita kanina. Kaboses na kaboses mo kase ang girlfriend ko e. Hindi ako makapaniwala."
Nagbaba siya ng tingin at matagal niyang tinitigan ang aking kamay bago nagpasya na tanggapin ito. "I'm Kristen."
With that simple touch of her skin against mine, it seems like bulk of electricity passed by.
Napakadaming alaala at emosyon ang nagbalik sakin dahil lang sa simpleng pagkakahawak ng aming mga kamay.
Who is she? Hindi ko maipaliwanag pero para siyang naging parte ng aking nakaraan ng hindi ko namamalayan.
BINABASA MO ANG
UNSEEN TRUTH
Teen FictionThe most important sense is the sense of sight. Without sight, we are people roaming this world without a vision. Without vision, we have no goals, nor do we have any desires, and we would not be able to bring positivity into this world. -Hiral Des...