UT 23
Kristen's POV
"Axis?" Napabangon ako bigla ng makita ko siya.
I saw him smile. "Good morning babe."
"Morning." I answered. "Bakit andito ka?" I asked.
"Well I have another surprise for you."
"Babe hindi ba dapat nagpapahinga ka pa? Kakagaling lang natin sa biyahe kanina. Hindi ka pa masyadong nakakatulog."
"I can sleep later babe. I just want you to see something. Please?"
"Oo na po. That's unfair. You know I can't say no to you."
"That's because you love me." He confidently answered.
"Whatever. Maliligo lang ako saglit babe ha?"
"Aren't you forgetting something?"
"Ha?"
"Wala ka bang nakakalimutan Misis?"
"M-misis?" Kunot-noong tanong ko.
"Yes. You will be my wife soon. Hindi mo naman siguro ako tatanggihan diba?"
Kung si Kristen lang, paniguradong hindi. Kaso hindi naman ako ang gusto mong makasama diba? You want Alice.
"Of course babe." Masayang sabi ko. "Saglit lang talaga. I'll just take a shower."
Tatayo na sana ko ng kama pero nagulat ako ng bigla niya kong hatakin kaya napaupo ako sa lap niya.
"Babe. Ang baho ko pa kaya bitiwan mo muna ko."
"Your smell is perfect." Idinikit niya pa ang ilong niya sa leeg ko. "I love you very much babe."
"I love you too." I place his hand on my chest. "Nararamdaman mo ba yan?" Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. "My heart is beating only for you Axis."
"Mine as well babe. I cannot think of anyone who will be able to enter my heart except you." He started to kissed me while tears started to fall down my cheeks.
This is the reality that I need to face. I need to accept that this will not take forever. I am just for a short period of time.
Once our agreement is done, were also done.
***
"Hmm. Ang sarap naman ng luto ni mommy." Masayang sabi ko habang kumakain ng mga hinanda niyang surprise para sakin.
"Ano ulit?"
"Sabi ko ang sarap ng mga niluto ni mommy Beca. Parang ngayon lang siya nagluto ng mga ganito babe?"
"Seriously?" He asked.
"Bakit?"
"Nakalimutan mo na agad yung mga lasa ng niluto ko."
"Niluto mo?" Gulat na tanong ko.
Sinimangutan niya ko. "Ganyan ka naman e. Lahat ata ng memorya na kasama mo ko, nakalimutan mo na."
Tumayo ako at lumapit sa kanya. Kinuha ko ang mga kamay niya at iniyakap sa bewang ko.
"Wag mong iisipin yan Axis. Sa kahit anong paraan ata, hindi ka na mabubura sa pagkatao ko e. Nakaukit ka na sa puso at isipan ko. Ganun kita kamahal kaya wag ka ng sumimangot diyan. I love you." Sabi ko bago siya binigyan ng mabilisang halik sa labi.
BINABASA MO ANG
UNSEEN TRUTH
Teen FictionThe most important sense is the sense of sight. Without sight, we are people roaming this world without a vision. Without vision, we have no goals, nor do we have any desires, and we would not be able to bring positivity into this world. -Hiral Des...