UT 36

875 33 7
                                    

UT 36

Kristen's POV

I sighed.

"What's with that deep sigh?" He asked me.

"Wala naman." I smiled.

"Nabo-bored ka na bang kausap ako?" He asked.

"Of course not. Ikaw, bakit ang lungkot pa din ng mukha mo? Akala ko ba okay na yung pinag-usapan natin kanina?"

"Actually yes. I'm already thinking about your advice but something is really bothering me."

"Ano naman yun?"

"Kung posibleng may nagpanggap nung mga panahon na hindi ako makakita, bakit naman kaya may gagawa nun?"

"Babalik na naman ba tayo diyan, Axis?"

"I know. I'm sorry. It's just that, I can't get it off my mind."

Napabuntong-hininga na naman akong muli. "I honestly don't know the answer Axis." Sorry my Axis but I can't answer your question yet. Not now, not tomorrow.
Ayokong kamuhian mo ako.

He did not say a word but he is just looking at me intently. Pilit kong iniiwasan ang mgs tingin. Kung dati ka na hindi siya nakakakita, naiilang na ko sa mga titig niya, ngayon pa kayang kitang-kita na niya ko?

I looked at my watch. "I think I have to go. May gagawin pako."

"Yeah. Thanks for the time Kristen. Come on, ihahatid na kita." Another time with him? I wanted to badly say yes pero papayag na naman ba ko sa hiram na oras?

Ngumiti ako. "No need. I'm fine. Thank you."

"Come on. Do you still want me to say please?"

"You don't have to do that Mr. Steadman." Tumayo na ko. "Again, thanks for the ice cream.. and time."

"Please Kristen?" Tumayo na din siya at humarang sa dadaanan ko.

Huminga ako ng malalim. "Come on Mr. Steadman. Wag ka ng makulit okay? Kaya ko naman magtaxi-"

"Why do you still need to take a cab when I am here in front of you, offering to be your driver?" Tumaas-baba ang kilay niya.

"Pero-"

"No buts Kristen."

"Ayoko lang naman kase na magkasira kayo ng girlfried mo dahil sakin. You know." Himutok ko.

I already met Alice and I know na hindi siya papayag na may ibang hinahatid ang boyfriend niya. Siya yung tipo ng tao na kung ano ang sa kanya, kanya lang.

"Wala ng masisira dahil matagal ng sira."

"Ano yun?" Tanong ko ng madinig ko siyang bumulong pero hindi ko narinig. Para lang siyang bumulong.

"Nothing. Come on Kristen, I insisit." Hinawakan na niya ko sa siko para alalayan palabas kaya wala nakong magawa.

***

Mabilis kaming nakarating sa Kristair dahil hindi naman peak hours kaya walang traffic.

"Maraming salamat sa paghatid Mr. Steadman. Mag-ingat ka." Inalis ko na ang seatbelt ko at nagulat ako ng taasan niya lang ako ng kilay. "Bakit?"

"Aren't you going to invite me inside?"

"Ha? Bakit pa?" Nakita ko ang pagsimangot niya. Tinampal ko ang noo ko. "Sorry. Where are my manners? Do you want to go inside Mr. Steadman?"

"Drop the formality Kristen. Call me Axis."

"Okay Axis. Gusto mo ba munang pumasok sa loob-"

"Of course." He interrupted me at nagulat naman ako ng bumaba na siya. Bubuksan ko na sana ang pinto ng maunahan niya kong buksan ito mula sa labas.

"Salamat." Sabi ko sa kanya.

"I really wonder where did you get the name of your restaurant?" Wala sa sariling ang ginawa kong pagngiti. "You are smiling. Maybe that name is very important to you."

"Yeah." Sagot ko habang nakatitig sa "KRISTAIR" na nakalagay sa labas ng aking restaurant. "Dalawang pangalan yan na pinagsama."

"Are they a couple or what?" Napatingin ako sa gwapo niyang mukha ng magtanong ito.

Umiling ako. Couple? Hah! Malabo sa katotohanan. "Hindi. Imposible." Tumawa ako ng mahina. "Yung babae lang ang nagmamahal." Malungkot na sabi ko.

"Kawawa naman pala yung babae kung ganun?"

"Hindi din. Naging masaya naman yung babae.. Kahit sa maikling panahon." Ngumiti ako ng mapait.

Kanina ko pa iniiwasan ang mga titig niya pero may iba talaga sa pamamaraan ng pagtitig niya e. Kaya sa huli ay pilit ko ng nilalabanan ang mga titig niya.

"Paano mo naman nalaman na yung babae lang ang nagmamahal? Nagtanong ba siya?"

Tumawa ako ng pagak. "Hindi naman na niya kailangan pang magtanong e. Nagbalik na ang tunay so bakit pa siya makikihati?"

"That's the problem with us people, we always conclude things. Why didn't the girl asked the boy instead of just leaving him? For me, it will still be better to be honest with the person you love. Kung mahal mo talaga siya, hindi mo ipagdadamot ang katotohanan."

Napaiwas ako bigla ng tingin. Does he know something? Pakiramdam ko ay pinapatamaan niya ko.

"Ano.. I think..-"

"I think there's still a lot of time for the girl to tell the truth. It's never too late right?"

Hindi ko na talaga alam ang isasagot ko kaya laking pasasalamat ko ng biglang sumilip si nanay.

"Anak kanina pa daw kayo diyan. Bakit hindi pa kayo pumasok?"

"Good Afternoon tita Karla." Bati ni Axis kay nanay.

Tumango naman ang huli. "Kumain na ba kayo? Halikayo dito sa loob."

"Hinatid ko lang po talaga si Kristen. Aalis na din po ako."

"Ganun ba? Magi-ingat ka anak. Salamat sa paghahatid sa anak ko." Ngumiti lang si Axis bilang sagot at aaminin ko, sobrang gwapo niya talaga!

"I have to go. Thanks for the time." Paalam niya. Nabigla ako ng bigla siyang lumapit sakin. Pakiramdam ko nanigas ang buo kong katawan ng hagkan niya ang aking pisngi.

Sa iba it was just a normal act, pero sa kagaya kong nagmamahal sa kanya, kakaibang kilabot ang nararamdaman ko. Amoy na amoy ko ang natural scent niya. I really miss my Axis.

"Remember the famous line? Honesty is the best policy. Don't be scared to be honest with the person you love." Makahulugang sabi niya bago sumakay ng sasakyan.

Matatanggap mo ba yung ginawa kong panloloko sayo? Oh kamumuhian mo ako kagaya ng sinabi mo kanina, Alistair?

UNSEEN TRUTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon