UT 33
Kristen's POV
"Anak pwede bang ikaw ang magbantay sa restaurant ngayon? Medyo sumasakit kase ang ulo ko."
Napalapit ako bigla kay inay ng marinig ko yun. "Saan ang masakit nay? Gusto niyo po bang dalin ko kayo sa ospital-"
"Ayos lang ako anak. Simpleng sakit lang naman to ng ulo. Iinom na lang ako ng gamot."
"Baka masyado niyo na pong pinapagod ang sarili niyo ha? Ang mabuti pa yata ay wag na kayong pumunta sa restaurant. Magpahinga na lang po kayo dito."
"Para mo naman akong pinapatay sa balak mong iyan anak. Mabuburyong lang ako dito sa bahay anak. Sanay naman ang katawan ko sa mga gawain."
"Pero nay-"
"Huwag ka ng mag-alala anak. Okay lang ang nanay. Magsasabi naman ako sayo kapag hindi ko na kaya e." Ngumiti ito. "Sige na at pumunta ka na sa restaurant."
"Dito na lang po ako nay. Hindi ko naman po kayong pwedeng iwan ng masama ang pakiramdam niyo."
"Hindi pwede anak. Baka nakakalimutan mo, may kompanya na nagpa-book ng event sa atin. Baka hindi kayanin ng staff yung trabaho ngayon doon. Tatawagan kita kapag nagkaproblema ako."
"Sigurado po kayo nay?"
"Oo naman anak. Itutulog ko lang ito at paniguradong okay na ako agad." Inayos niya ang mga buhok kong kumalat.
"Sige po nay. Tatawag-tawagan ko po kayo ha? I love you nay."
"Mag-enjoy ka anak."
"Si nanay naman, hindi ho ako pupunta ng party. Magluluto po ako." Natatawang sagot ko.
"Basta alam ko mag-eenjoy ka." Sabi nito bago ako niyakap. "Ingat ka anak."
Nagpaalam na ko sa kanya bago sumakay ng taxi papunta ng restaurant.
***
Naging abala ako buong umaga dahil good for 100 persons ang inihanda naming pagkain for lunch.
Isang kompanya ang may pa-lunch buffet ngayon at laking pasasalamat ko ng dito nila naisipang ganapin.
"Napakasarap talaga ng mga pagkain niyo dito."
"Maraming salamat po. Masaya po ako at nagustuhan niyo." Nakangiting sagot ko.
"Sayang nga lang at hindi inabot ng boss namin. Naipit na ata sa meeting e."
"Oo nga po. Hindi ko nga po siya na-meet dahil nanay ko po ang nakausap niya." Sagot kong muli.
"Osiya mauuna na kami dahil nandiyan na ang shuttle."
"Maraming salamat po ulit."
Unti-unti ng naubos ang mga tao dahil babalik pa sila sa trabaho. Sadyang nagpa-lunch lang talaga ng sabay-sabay ang boss nila.
"Simulan niyo ng maglipit para maaga tayong matapos. Gaya ng pangako ko sa inyo, sarado na tayo buong araw ngayon."
"Yehey!" Masayang nagsigawan ang mga staff ko.
"Swerte talaga natin sa boss natin no?" Narinig kong sabi ni Judy.
"Nako nambola ka pa. Wag kang maga-alala, kahit walang pambobola, hindi na talaga magbabago ang isip ko. Deserve niyo din ang magpahinga."
"Salamat maam!' Sagot nila.
Umiling ako. "Salamat sa inyo." Sagot ko. "Magi-inventory lang muna ako. Katukin niyo lang ako sa opisina kung may kailangan kayo."
***
Knock knock
"Pasok." Sagot ko mula sa loob ng opisina ng makarinig ng katok.
"Maam nandito ho ang kausap ni Maam Karla kahapon na may-ari ng kompanya."
"Sige. Papasukin mo." Napatayo ako ng maayos.
May reklamo kaya sila? Wala naman sana.
"Good after-... Axis? I mean Mr. Steadman.."
"Bakit parang nakakita ka ng multo?" He asked back.
Umiling ako. "I'm sorry. I just didn't expect to see you."
"Why? Hindi ba nabanggit sayo ni tita Karla?"
Napaisip ako. "Actually, no." Kaya ba ko sinabihan ni inay kanina ng enjoy? Ugh! Si nanay talaga.
"Well, akala namin aabot kami sa lunch pero hindi pala. Kakatapos lang ng meeting namin."
"Namin? You mean.. Alice?" I asked. Kakaibang sakit ang naramdaman ko ng mabanggit ko ang pangalan ng girlfriend niya.
"No. I'm with my mom-"
"Sorry about that son. Ang kulit kase ng secretary-..Kristen?!"
"Mommy-.." Agad kong kinagat ang ibabang labi ko. "What I mean is tita Beca!" Lumapit ako sa kanya para humalik. "It's good to see you po."
"Same here. Ang tagal na nating hindi nagkikita hija. It's been what? Three months?"
"Opo tita." It's been three months simula ng iwan ko siya.
"I'm so happy to see you. Hindi ko alam na ito na pala ang restaurant mo. I heard food are great here."
"Thanks tita. Sayang po at hindi kayo umabot kanina. Why don't you eat first tita? I can cook for you."
"Hindi ko tatanggihan yan hija. Wala kaseng lasa yung kinainan namin kanina. What do you think anak?" Humarap siya kay Axis.
"Well.. I would love to check if Ms. Starr here is a good cook." Nakangiting sagot ni Axis.
"Just wait and taste Mr. Steadman." I smiled. Mas malapad na ngiti naman ang isinagot niya sakin. "Enjoy my office tita Beca and Mr. Steadman."
"Just call me Axis, Kristen."
Axis? Pwede bang babe na lang?
"No problem Axis. I'll be back." Paalam ko bago dumiretso ng kitchen.
Mabilis akong umalis para makapunta sa kusina. Maalala mo kaya ako kapag natikman mo ang nga luto ko?
BINABASA MO ANG
UNSEEN TRUTH
Teen FictionThe most important sense is the sense of sight. Without sight, we are people roaming this world without a vision. Without vision, we have no goals, nor do we have any desires, and we would not be able to bring positivity into this world. -Hiral Des...