UT 25

1K 48 14
                                    

UT 25

Three months later...

Axis' POV

"It's good to be back." Nakangiting sabi ko ng i-announce na maglalanding na ang eroplano sa Pilipinas.

"I really don't know why you still want to go back here samantalang mas masaya naman ng manirahan sa States." Hindi maitago ang inis sa mukha ni Alice habang nagsasalita. "I don't like it here. Ano ba kaseng gusto mong balikan dito? Masyadong ng mausok at polluted ang Pinas. Why can't we just stay there? I love living there. My friends are also there!"

Napailing ako. "Akala ko ba napag-usapan na natin to? I need to help mom in managing our business. Hindi ko na alam kung ilang beses ko bang kailangang ipaliwanag yun sayo."

"Yea right! Why are you so worried? As if naman ikahihirap mo kung hindi ka magtatrabaho.And besides, mommy Beca can manage it without your help. Why don't we just start our new life there?"

"Dadating din tayo diyan Alice but for now, I really want to help my mom. Ilang taon na din siyang nahihirapan magpatakbo ng negosyo mag-isa. It's time for me to do something for her."

"Whatever Axis." Umirap muna siya bago ako tinalikuran.

For three months, si Alice ang nakasama ko sa States. The moment I announced na magpapa-opera na ko, agad na nagpa-book si mommy ng flight sa States dahil mas tiwala siya sa mga doctor at machine na naroon.

Two months ago lang ako naoperahan and I'm glad it was successful. Masaya ako na nakikita ko na ulit ang nasa paligid ko. Nakakakita na kong muli pero parang mas gugustuhin ko na atang mabulag na lang dahil ibang-iba yung nararamdaman ko lang yung pagmamahal ni Alice sakin kaysa ngayon.

Minsan nga napapaisip ako, magkaibang tao kaya yung nakasama ko dating hindi ako nakakakita kaysa sa ngayon na nakikita ko na siya. I really wonder sometimes. I know it's wrong but I can't help it.

***

"Nako ang anak ko lalong gumwapo!" Agad akong sinalubong ng yakap ni mommy pagkalabas namin ng airport.

I smiled at my mom. "I miss you mom. Hindi mo na ko kailangan pang bolahin, nakabili na ako ng pasalubong para sayo."

"Bakit naman kita bobolahin kung totoo naman ang mga sinasabi ko? Namiss kita anak at masaya ko para sayo." Agad niyang pinunasan ang kanyang mga luha.

"This is because of you mom. Thank you dahil hindi mo ko sinukuan. I owe you everything. Tama ka, ibang-iba ang pakiramdan na nakikita mo lahat. I'm happy to see you again mom."

"Mas masaya ako na nakakakita ka na ulit. Yan lang naman ang hiling ko noon. I want you to see the beauty of everything." She tapped my left cheek. "Halika na kayong dalawa sa sasakyan. Paniguradong maraming kayong iku-kwento sa akin kaya mabuti ng dumiretso tayo sa bahay. Madami akong niluto. Lahat paborito niyo."

"Really? Why don't we eat at a restaurant? Ayokong sa bahay lang. Is that how you welcome us?" Nagulat ako sa inasta ni Alice.

"Alice. Stop talking with my mom like that. Sa bahay tayo kakain. Namiss ko na ang mga luto niya." Pinipigilan ko ang sarili ko na pagtaasan siya ng boses.

Sa loob ng tatlong buwan, napakadami na naming pagtatalo at paga-away na nagawa. I tried my best to be patient but she's really getting into my nerves! Para bang minsan sinasadya na lang niyang gumawa ng bagay na paga-awayan namin.

"But I don't want to eat there!"

"Then don't eat." Naiiritang sabi ko bago inalalayan si mommy pasakay.

"Ugh! Whatever!" Sagot niya bago sumakay ng sasakyan.

Napahilot na lang ako sa noo ng makitang sa pinakadulong seat siya umupo tsaka naglagay ng headset sa tenga. Pinilit kong ngumiti ng mapansin kong nakatingin sakin si mommy.

I know, isa ito sa mga ugali ni Alice na ngayon ko lang nakikita. Whatever she wants, she wants to get.

***

"This is delicious mom." I said when I eat a spoonful amount of chicken adobo. "Ibang-iba talaga ang pagkain dito sa Pilipinas. Sobrang sarap!"

Naging masaya ang buong duration ng pagkain namin. Hindi maitago ang pagiging masaya ni mommy sa dami ng mga kwento niya. Pinag-kwento niya din ako ng mga nangyari sa States at kung ano ang mga bilin ng doctor na dapat kong iwasan at dapat gawin.

Puro kaming dalawa lang ang nagu-usap dahil si Alice ay busy sa cellphone niya. Hindi niya mabitawan ito sa hindi ko alam na dahilan samantalang noong hindi pa ako nakakakita, hindi naman siya ganyan.

Kapag sinita mo naman, siya pa ang galit.

"Babe?" I called her attention.

"Hm?"

"Why don't you cook for me? I miss your pork sinigang."

"Really Axis?" Tinaasan niya ko ng kilay. "Ako paglulutuin mo? Baka nakakalimutan mong kaaway ko ang kusina." She hissed.

"Ouch!"

Napatayo ako bigla dahil sa narinig ko. "Alice? What happened?"

"Wala. Napaso lang ako." Sabi niya.

"Saan?" Dahan-dahan akong lumapit sa kanya.

"Wala nga. Bumalik ka na dun para makakain na tayo."

Hinuli ko nmang kamay niya. "Alin dito?" I sincerely asked.

"Ito o."

"Hindi ka kase nagi-ingat. Tsk. You're not that careless before." Hindi ko napigilang pagsabihan siya dahil ayaw na ayaw ko lang naman na nasasaktan ang mahal ko.

"Okay na nga kase sabi."

"No." Mahigpit ko itong hinawakan. "It's not yet okay unless I do this." Unti-unti kong inilapit sa labi ko yung mga daliri niyang napaso.

I was shocked when I remembered the time she cooked for me.

Muli kong tinignan ang babaeng nasa tabi ko na nakatutok pa rin sa kanyang cellphone.

Ikaw ba talaga ang babaeng nakasama ko noon?

UNSEEN TRUTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon