UT 27
Kristen's POV
"Hi nanay!" Masayang bati ko ng makita ko siyang nakaupo sa opisina ng restaurant namin.
"Oh anak. Akala ko mamaya ka pa pupunta dito? Diba masama pakiramdam mo?"
"Okay lang ako nay." Pinilit kong ngumiti.
Tatlong buwan na ang nakakaraan pero hindi ko pa din siya maalis sa sistema ko.
"Anak, tatlong buwan na kitang hinahayaan. Hanggang ngayon ba naman, hindi mo pa din sasabihin sakin?"
"Nay okay lang-"
"Alam kong hindi anak. Nanay ako, kahit walang magsabi sakin nararamdaman ko na hindi."
"Nay.."
"Simula nung gabi na inuwi ka ng mga kaibigan mo na lasing sa bahay, palagi ka ng tulala at malungkot. Kahit ngumingiti ka, alam ko namang hindi totoo."
Napayuko ako tsaka ko hinawakan ang mga kamay ni nanay.
"Nay sabi ng doctor, hindi ka daw pwedeng mapagod at ma-stress. Okay lang po ako." Pinilit kong ngumiti.
"Maaring hindi nga ako pwedeng mapagod, pero hindi naman ibig sabihin nun ay hindi na ko pwedeng maging nanay sa anak ko. Nanay mo pa din ako anak, wag mong iisipin nag-iisa ka. Nandito ako palagi para gabayan ka."
"Nay.." Yumakap ako sa kanya. "Ang sakit pa din po. Ang sakit-sakit na talaga."
Sa tatlong buwan na nakalipas, ngayon ko lang naramdaman na magkaroon ng kakampi.
Nandiyan naman sila Aya na palaging ginagawa yung best nila pero siyempre nahihiya na din naman ako dahil may sarili din silang buhay.
"Kaya masakit dahil mahal mo pa din. Ano ngang pangalan niya? Alistair ba yun anak?"
Napabitaw ako sa yakap niya. "Paano.. paano niyo pong nalaman?"
Ngumiti si nanay. "Sabi ni Aya nung gabi na nalasing ka, nagkayayaan lang daw kayong magkakaibigan. Naniwala naman ako anak pero kinabukasan, may nagpunta sa bahay."
"Sino po?" Hindi ko napigilan ang magtanong.
"Yung boss mo dati. Beca ang pangalan niya diba?"
"Si mommy Beca.." Akala ko simula nung umalis ako, nakalimutan na niya ko.
"Sinabi niya sakin ang lahat-lahat anak. Kung ano ang pinasok mo para lang mapagamot ako. Humingi din siya ng tawad dahil alam niyang nasasaktan ka sa nangyari. Gusto ka daw niya para sa anak niyang si Alistair anak at alam din niyang darating ang panahon na magiging okay ang lahat."
"Ano pong ibig niyong sabihin?"
"Mahiwaga ang mundo anak. Minsan mapapaisip tayo kung bakit nga ba hinahayaang mangyari ang isang bagay. Hindi ka ba napapaisip? Bakit nga ba iniligay ka ng Panginoon sa ganung sitwasyon? Siguro isa sa sagot ay ang mapagaling ako. Pero bakit ka naman Niya hinayaang mahulog at mapamahal sa lalaking yun?"
"Hindi ko po alam." Umiiling na sagot ko. "Karma ko siguro ito nay. Niloko ko kase ang napakabuting tao na kagaya niya."
"Shhh. Wag mong isipin yan anak. Wala kang kasalanan sa kanya. Hindi pa siguro natin alam sa ngayon ang sagot kung bakit, pero alam ko na dadating ang panahon at malalaman mo din."
"Tatlong buwan na ang nakaraan nay pero ang sakit pa din." Yumakap akong muli sa kanya.
"Tatlong buwan PA lang ang nakakaraan anak. Huwag kang susuko naiintindihan mo?"
"Si nanay maman. Pinapaasa pa ko." Pinilit kong magbiro. "Wala nga pong forever diba?"
"Sinong nagsabi? Meron kaya. Tignan mo na lang kami ng tatay mo. Maaga man niya kong iniwan, nananatili pa din ang pagmamahalan naming dalawa lalo na at nandiyan ka pa."
"Mahal na mahal kita nanay. Masayang-masaya ako na magaling ka na po."
"Ikaw ang dahilan kung bakit gumaling ako anak. Salamat sa lahat ng sakripisyo mo."
"Bakit hindi mo ko kwentuhan tungkol sa kanya anak? Gwapo ba siya anak?"
"Gwapong-gwapo po nay. Parang artista." Nakangiting sagot ko habang inaalala ang mukha niya. "Hindi lang siya gwapo, sobrang bait pa."
"Napagkwentuhan lang natin siya, bumalik na agad ang mga ngiti mo." Ginulo niya ang buhok ko. "Hay. Ang baby ko, dalaga na. Yakapin mo nga si nanay anak."
"Salamat nay. Akala ko po magagalit kayo kapag nalaman niyo."
"Walang masama sa ginawa mo anak. Tao ka lang din. Nakakagawa ng kamalian, pero alam mo kung paano itama. Naniniwala akong may mangyayaring maganda Kristen. Napakabuti mong bata simula nung maliit ka. Manalig ka lang sa Panginoon."
"Sige na po nay. Dumaan lang naman po ako para sana magpaalam na pupunta ako kila Sister."
"Sige anak basta magi-ingat ka."
"Kayo din nanay. Wag po kayong magpapagod ha? Umupo na lang kayo dito. Sapat naman yung mga tauhan natin dito sa restaurant."
"Sige na anak. Ako na ang bahala dito. Ingat anak."
BINABASA MO ANG
UNSEEN TRUTH
Teen FictionThe most important sense is the sense of sight. Without sight, we are people roaming this world without a vision. Without vision, we have no goals, nor do we have any desires, and we would not be able to bring positivity into this world. -Hiral Des...