UT 22
Kristen's POV
"Wait. Don't tell me sasakay tayo diyan?" I asked ng makita ang isang bangka sa harap ng bahay.
"Oo naman. Akala ko ba gusto mong ituloy natin ang plano ko for today?"
"Oo nga pero-"
"Then let's go!" He said and pulled me closer to the shore.
"Babe I don't want to ride that boat. Ayoko na atang tumuloy." I protested.
Oo na. Aaminin ko na. Takot ako sa tubig dahil hindi ako marunong lumangoy. Sa swimming pool nga lang, nalulunod na ako, dito pa kaya?
"Tinawagan ko na ang bangkero babe. Nakakahiya naman sa kanya. Come on let's go."
"Magandang umaga ho Sir at Maam. Mabuti naman po at naisipan niyong pumasyal dito. Tamang-tama at kalamado ang dagat."
"Paniguradong mage-enjoy ang Alice ko." Pinisil niya ang kamay ko. "Pakialalayan na siya paakyat." He ordered.
"Babe." I still tried to protest pero maagap na akong tinulungan ni kuya paakyat ng bangka. "Kuya sure po ba kayong safe tayo?"
"Aba'y oo naman ine. Ikaw ay wag maga-alala dahil kaytagal ko na sa trabahong ito. Pangako na ika'y makakauwi ng ligtas."
I felt his hand squeezed mine. It was a comforting gesture from him kaya mabilis na din naman akong napakalma nito.
"Forget everything babe. I want you to rest even just for this day." He murmured.
Hindi ko na nakuhang sumagot dahil naagaw na ng ganda ng paligid ang atensyon ko.
Kitang-kita ko mula dito ang ganda ng buong lugar. Napakalinaw din ng tubig kaya kitang-kita ko na ang mga isda na masyang lumalangoy.
"The view is breathtaking babe." Naabutan ko siyang nakapakit habang nakangiti. "Why?" Hindi ko napigilang tanungin kung bakit.
He shook his head. "I am just imagining your face with a perfect smile on it because of my surprise. I wish I can still see your smile again."
Nagulat ako dahil sa sinabi niya. "You can still see everything Axis. You know that it is still possible right? You just have to make a decision-"
"Let's not talk about it today." He dismissed.
"Pero kailan pa Axis? I also want you to see-"
"Maam, sir, nandine na ho tayo sa snorkeling spot."
"S-snorkeling?" Kinakabahang tanong ko.
"Oho maam. Nasa may pinakamagandang spot na ho tayo ngayon. Mabuti pa ho ay bumaba na kayo habang kalmado pa ang dagat."
"Hindi ako bababa diyan." Todo-tangging sabi ko.
"What's the matter babe?"
"Ayoko nga sabi Axis!" Inis na sabi ko.
"Are you afraid?" Hindi ako kumibo. "You don't have to worry. Kasama mo ako. Wala kang dapat ikatakot."
"Pero-"
"Do you trust me babe?" He asked.
"Oo naman."
"Then if you trust me, wala kang dapat ipag-alala. Bulag man ako at walang nakikita, kayang-kaya pa din kitang iligtas. Hindi ko hahayaang may mangyari sayong masama. Never."
Huminga ako ng malalim bago nagpasyang bumaba.
Nauna siya sakin sa baba. Hindi man lang siya nagsuot ng life vest.
"Hindi ka ba talaga magli-life vest babe?" Naga-alalalang tanong ko.
"No need babe."
"Baka mamaya may mangyaring-"
"Stop thinking that something bad will happen dahil walang mangyayaring masama. Halika na."
Maingat akong bumaba pero sobra pa din ang takot na nararamdaman ko kahit na alam kong ililigtas niya ko anuman ang mangyari.
I felt his arms hugging me. "You're shaking. Still afraid?"
"Medyo."
"Don't be. I'll be your human life vest. Now I want you to enjoy the view. Maraming magandang isda sa ilalim na dapat mong makita."
"Teka lang-"
Naputol ang sasabihin ko ng suotan niya ko ng mask and snorkel.
"Ready?" He held my hand at sabay kaming dumapa sa tubig.
And there, I was mesmerized with the view. This is unbelievable. Isa ito sa mga gustong-gusto kong gawin pero hindi ko magawa dahil takot nga ako.
Pero salamat sa kanya, dahil ginawa niyang posible ang imposible.
***
"Nag-enjoy ka ba?" He asked habang nakayakap sakin.
Nakabalik na kami kanina mula sa snorkeling and island hopping at isa lang ang masasabi ko, sobrang saya!
Masayang kong gawin to lalo na at kasama siya.
"Masayang-masaya ko Axis. Salamat." Hinawakan ko ang pisngi niya. "Ikaw ba?"
"Basta alam kong napasaya kita, masayang-masaya na din ako." Sagot niya na nagpakilig naman sakin. "Bakit nga pala ayaw mong bumaba kanina?" He asked.
"Eh natatakot ako e."
"Natatakot saan?" Curious na tanong niya.
"Edi sa tubig. Siyempre malalim yun. Paano kung malunod tayo?"
"T-takot kang malunod?"
"Oo naman. Sino bang hindi matatakot malunod ha babe? Lalo na sa mga kagaya ko na hindi marunong lumangoy."
Gulat ako ng unti-unting lumuwag ang pagkakayakap niya sakin. Napuno tuloy ng kaba ang dibdib ko dahil nasa dagat pa din kami.
"This is unbelievable." Umiling siya.
"Ano bang problema Axis?" Pakiramdam ko unting-unti na lang, bibitawan na niya ko.
"You're a swimmer Alice. Nakalimutan mo na ba? Grade 2 pa lang tayo, naka-enroll na tayo sa swimming class. Tayo pa nga ang panlaban sa school taon-taon."
Nanlamig ang buong katawan ko dahil sa sinabi niya. Malaki ang posibilidad na naghihinala na siya sakin ngayon.
"O-oo nga." Kristen ano ba. Mag-isip ka ng dahilan. Paganahin mo ang utak mo please. "Nung ano.." Ano Kristen? "Nung huling swimming kase namin.. ano.. kasama ko yung mga kaibigan ko.. nagpunta kami ng dagat. Akala.. akala ko magaling na kong lumangoy pero hindi pala. Nalunod ako.. Akala ko katapusan ko na kaya ako nagka-phobia sa tubig." Pagdadahilan ko. Hindi ko na napigilan ang pagtulog ng luha ko.
Ayaw na ayaw ko talaga ang nagsisinungaling. Isa pa, natatakot ako sa pwedeng mangyari. Pakiramdam ko unting-unti na lang, malalaman na niya ang totoo. At isa yun sa kinakatakutan ko, ayokong magalit siya sakin.
'"Hush now." Naramdaman kong muli ang higpit ng yakap niya. "I'm sorry if I was not there to protect you."
"Axis.."
"Shhh. I promise you na hindi na mauulit yun dahil hindi ko hahayaan. Wag ka ng matakot okay?"
Tumango ako bago sumiksik sa dibdib niya.
"Thank you." Bulong ko.
"Thank you for coming back into my life." Hinalikan niya ang buhok ko. "I love you."
"I love you too Axis." Walang halong kasinungalingan na sagot ko.
BINABASA MO ANG
UNSEEN TRUTH
Teen FictionThe most important sense is the sense of sight. Without sight, we are people roaming this world without a vision. Without vision, we have no goals, nor do we have any desires, and we would not be able to bring positivity into this world. -Hiral Des...