UT 17
Kristen's POV
"Mama!" Masayang bati ko ng maabutan ko siyang nanunuod ng TV.
"Anak! Mabuti naman at nadalaw mo ko. Miss na miss na kita."
"Ako din po ma. Pasensiya na po kayo ha? Sobrang dami ko po kase mng ginagawa ngayon." Umalis na ko sa pagkakayakap niya.
"Naiintindihan ko naman anak. Tsaka sinabi din naman sakin ng boss mo."
"Boss ho?"
"Oo. Si Maam Beca. Diba siya ang boss mo?"
"Ah. Opo ma. Dinalaw niya po kayo?"
"Oo kahapon. Alam mo bang napakabait nun. Ang swerte mo naman sa kanya."
"Sobrang swerte ko nga po ma. Ang swerte natin dahil nakilala niya tayo pareho."
"Pero paano yan? Baka baon ka na sa utang sa kanya."
Ngumiti ako. "Wag niyo na pong alalahanin yun ma. Ang pera naman ay kinikita. Ang importante sa ngayon ay maayos na ang kalagayan niyo."
"Pasalamat tayo sa Diyos anak."
Niyakap ko siyang muli. "Hindi ko kakayanin ma kapag may nangyare sa inyo."
"Walang mangyayareng masama anak. Maniwala lang tayo sa kanya."
"Opo." Tumango ako. "Ang mabuti pa ma ay kumain na lang tayo. Nagluto po ako ng paborito niyong adobo."
***
"Aba. Sumasarap atang magluto ang anak ko a? Wala ba tayong pinagluluto diyan?"
Naramdaman ako ang pagi-init ng pisngi ko. "S-si mama talaga. Sino naman pong ipagluluto ko?"
"Nako Kristen. Nanay mo ko. Sa akin ka nanggaling kaya lahat sayo ay alam ko. Paglunok mo pa lang ay alam ko na. May gusto ka bang sabihin sakin anak?"
Napangiti ako. Kailanman ay hindi talaga ako nakapaglihim kay mama.
"Yung anak po ni maam Beca ay isa sa mga taong naipagluto ko na."
"Anong pangalan niya anak?"
"Alistair Xanthus po ma pero ang tawag namin sa kanya ay Axis. Sobrang bait niyang tao ma."
"Mukhang umiibig na ang anak ko a?"
"Mama naman e." Nahihiyang sabi ko.
"Ipakilala mo muna siya sakin Kristen."
"Hindi naman po siya nanliligaw para ipakilala ko mama." Sabi ko.
"Manliligaw lang ba ang maaari mong ipakilala sakin? Ipakilala mo siya sakin bilang kaibigan mo."
"Sana nga mama, makilala mo siya dahil napakabuti niyang tao."
Sorry mama dahil hindi ko masabi sayo ang tunay na sitwasyon naming dalawa. Patawarin mo po ako.
Pero darating din kaya ang araw na maaari kong ipakilala si Axis kay mama?
***
I'm back loves! Salamat sa walang sawang paghihintay. May readers pa din ba to? ❤
BINABASA MO ANG
UNSEEN TRUTH
Teen FictionThe most important sense is the sense of sight. Without sight, we are people roaming this world without a vision. Without vision, we have no goals, nor do we have any desires, and we would not be able to bring positivity into this world. -Hiral Des...