UT 32

1.1K 61 14
                                    

UT 32

Axis' POV

"Kuya may meeting ako-"

"This will just be quick Aya. I really need to talk to you-"

"I'm sorry kuya. Ireally need to go. Sorry bye."

Napahawak ako sa ulo ko ng ibaba na niya ang tawag.

Kinausap ko na si manong tungkol dito pero wala siyang isinagot.

Si mommy naman hindi din sumasagot dahil nasa conference meeting siya sa ibang bansa.

Pakiramdam ko mababaliw na ko kapag wala akong nakuhang na matinong sagot. Kailangan ko ng malaman ang totoo.

Kung hindi sumasagot ng maayos si Aya, malamang wala din akong makukuhang sagot mula kay Cathy.

Ayoko namang biglain si Kristen at tanungin siya ng diretso.

Sino pa bang pwede kong pagtanungan?

Si Marie!

Agad kong hinahanap ang number niya sa phone ko para matawagan. Siya na lang ang natitira kong pag-asa para malaman ang totoo.

"Hello Axis? How's your operation?"

"It's good Marie."

"Good to hear that. Bakit nga pala napatawag ka? Sorry hindi agad kita nakamusta alam mo na busy masyado ang pinsan mo-"

"I need to ask you something." Putol ko sa sinasabi niya.

"What is it?"

"Can you send me a picture during our dinner the last time you visited Philippines?"

"For what?"

"This is just really important Marie. Please?"

"I would love to send you one but sad to say I already changed my phone. Nahulog kase sa tubig yung luma e."

"Walang naka-save sayo?" Nanghihinang tanong ko.

"Wala akong na-save na pictures e."

"Kailangan ko lang talaga Marie."

"Oh wait. Why don't you check it with on my instagram account? I think I uploaded our family dinner."

"Great! Thanks Marie! You're the best."

"Nambola ka pa. I'll just send you my username ha? Follow mo na din ako. Bye cousin!"

"Thank you!"

Mabilis ko lang din naman na na-receive yung username niya pero napatagal ako sa paggawa ng account.

Agad kong hinanap sa mga pictures niya ang dinner photo namin pero thirty minutes na kong nag-scroll dito, wala pa din.

Ang dami niya kaseng recent upload.

Nakarating na ko sa mga pictures nila na kuha dito sa Pilipinas.

And there, I was able to find the photo wherein I am included. My mom, Aya, Cathy, Marie and her fiancee is also there. But the person who got my full attention is no other than Kristen..

This is no longer a joke. This is the confirmation I have been waiting for.

Wala ng pwedeng magsinungaling sakin dahil ngayon ay alam ko na. Si Kristen ang nakasama ko habang bulag ako at hindi si Alice kaya madami siyang hindi alam sa nangyari noon.

***

"Kuya sinabi ko naman kase sayo na busy nga-"

"I need to talk to you."

"Pero kuya-"

"Right now." Agad akong tumalikod sa kanya at dumiretso sa parking.

Ayoko ng mag-aksaya ng panahon. Kanina habang nagi-isip ako, isa lang ang nakumpirma ko, hindi na si Alice ang mahal ko.

Inaakala ko lang siguro na mahal ko pa siya dahil siya ang alam kong nakasama ko pero sa totoo lang, yung mismong tao na nakasama ko habang bulag ako ang nagmamay-ari ng puso ko. Si Kristen na yun.

Ibang pangalan, ibang katauhan pero siya na ang nagmamay-ari ng puso ko. Wala akong pakialam sa naging rason kung bakit niya kinailangang magpanggap, basta ang alam ko ay handa akong gawin ang lahat maging tama lang ang lahat.

"Kuya I still have a meeting to attend to. What do you want?" Tanong ni Aya pagkasakay ng sasakyan.

"Si Alice ba ang nakasama ko noong bulag ako?"

"What's this all about? Is this about what I said last time? Sabi ko naman sayo wag mo ng isipin yun diba? I was just asking a random question."

"Kung hindi mo ko masagot, just show me any picture. Last time we had a family dinner, I can still remember you taking pictures."

"I.. I.. ano.. I actually lost my phone kuya. Wala na kong picture natin noon."

"You didn't upload it?" Umiling siya. "Why?" I asked instead.

"Because I just don't want."

"That's impossible. Lahat ng pictures gusto mo naka-upload. Remember what you answered when I asked you?" Tahimik lang siyang nakikinig sakin. "You told me that you want to upload everything para kung masira o mawala man ang phone mo, pictures will be safe because that's memories."

"Kuya.."

"Tell me, kaya wala kang maipakita na picture dahil malalaman kong hindi si Alice ang kasama ko diba? I would see Kristen on that picture."

Nanlaki ang mga mata niya. "How did.. how come you know.. What are you saying kuya?"

"You don't need to lie Aya. I know everything now."

"Kuya please don't get mad at me specially with Kristen. Ginawa lang-"

"I don't need your explanation but I need your help in making Kristen mine." I know she was shocked with my revelation but I just smiled at her.

I will make you mine Kristen.

UNSEEN TRUTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon