UT 26
Axis' POV
"Babe wait I like that dress." Turo niya sa isang botique. "I want that. I'll buy it."
"Babe ang dami mo ng pinamili. Isa pa gutom na gutom nako. Can we buy that later?" I asked.
"Gusto ko ngayon na. Paano kung last stock na pala yan tapos may bumili pa? I really want that dress!"
"I'm really hungry babe-"
"Fine! Kumain ka mag-isa mo!" Iniwanan niya ko bigla.
Napahinga na lang ako ng malalim bago sumunod sa kanya. "Babe." Hinawakan ko siya sa kamay.
"Akala ko ba nagugutom ka na? Kumain ka na dun!" Iniwas niya ang kamay niya sakin.
"Pwede ba namang hindi ko kasabay ang mahal ko?" I asked. "Come on. Let's buy that dress first then we'll eat. Sounds good?"
"Yes!" She smiled. "Thanks babe! Sabi ko na nga ba hindi mo ko matitiis e."
"Hinding-hindi talaga." Sabi ko bago siya inakbayan.
Isang oras na ang nakalipas pero nandito pa din kami sa botique kung saan nagustuhan niya yung dress and until now, namimili pa din siya.
"Babe? Wala ka pa din bang napipili?"
"Gusto ko tatlong dress ang bibilin ko dito. Kulang pa ko ng isa." Sabi niya bago namili ulit.
"Why don't you try that pink dress? Mukhang bagay sayo."
"Pink? Seriously Axis? Ayoko nun!"
"Then what color do you want?"
"I don't know. Basta kung ano ang magustuhan."
"Alice why don't we buy these two dress first then let's eat. Balik na lang tayo after please?"
"Mamaya na lang tayo kumain. Hindi pa naman ako nagugutom e." She said.
"How about me? Wala ka na bang pakialam kung nagugutom ako?" Hindi ko na naitago ang inis sa boses ko. "Fine! Do what you want and I'll do what I want."
Tumayo na ko mula sa couch at nagbigay ng pera sa kanya bago lumabas.
Naghanap ako ng pwedeng kainan but I think I'm craving for something and I can't figure it out.
"Babe!" Narinig ko ang pagtawag niya mula sa likod ko.
"Babe will you stop walking and wait for me? Ugh!" Hindi ako huminto pero binagalan ko ang mga hakbang ko.
"Babe naman e!" Hinawakan niya ko sa braso ng maabutan ako. "Hindi ka pa talaga huminto ha?"
"I thought you still want to buy another dress?" I asked instead.
"Oo nga pero iniwan mo ko e."
"It's because I'm starving. Sabi mo naman hindi ka pa gutom edi ako na lang muna ang kakain. Go back there Alice. Continue shopping."
"Sasama na nga ako sayo." She answered.
Hindi ko siya pinansin pero kinuha ko yung mga paperbag na bitbit niya.
"Saang restaurant mo gustong kumain babe? Ang sakit na ng paa ko." Reklamo ng kasama ko.
"I'm craving for something." I answered.
"Saan nga. Andami na nating nadaanan na restaurant puro ayaw mo naman. Nagugutom ka na ba talaga?"
"Oo nga babe. I just really don't know where is it located."
"Gutom na din ako babe." Sabi niya.
"There!" Turo ko ng matanaw ko na ang gusto kong kainan.
"Tell me you're kidding." She said.
"No I'm not. Let's eat at Jollibee." Masayang sabi ko tsaka siya hinawakan sa kamay.
"Ayokong kumain diyan! You know I never eat in fastfood. Puro carbs lang ang makukuha natin diyan. Let's look for something else."
"But babe, hindi mo na natatandaan na ikaw ang nagturo sakin na kumain diyan?"
"What? Of course not. Never!"
I was dumbfounded.
Kung hindi siya ang nakasama kong kumain sa Jollibee, sino?
BINABASA MO ANG
UNSEEN TRUTH
Teen FictionThe most important sense is the sense of sight. Without sight, we are people roaming this world without a vision. Without vision, we have no goals, nor do we have any desires, and we would not be able to bring positivity into this world. -Hiral Des...