UT 7

1.2K 55 8
                                    

UT 7

"Oh bakit naman bumaba ka pa?" Sinalubong ko si Axis na kabababa lang ng hagdan. "Pwede naman kitang akyatan ng pagkain sa taas-"

"Gusto ko kayong makasabay ni mommy sa pagkain."

"Oh. Tamang-tama, patapos na tong niluluto ko."

"Hmm. It smells good." Sabi niya pagkapasok namin ng kitchen.

"Sus. Nambola ka pa. Wag kang mag-alala, papakainin talaga kita nito."

"What are you cooking?"

"Pork sinigang. It's your favorite right?"

"Yah. You still remember." He smiled.

"Of course. I remember everything about you." With the help of mommy Beca of course.

"I'm hungry."

"Eto na po mahal na prinsepe, isang kulo na lang pwede nato." I said.

"Hi anak!" Pumasok sa loob si mommy Beca sa kitchen. "Alice! You're here."

"Hi mommy!" I kissed her.

Galing kase ako sa bahay namin kanina tapos nagluto ako agad ng lunch namin.

"Kanina ka pa dito?" She asked.

"Hindi naman masyado mommy. Nagluto na din pala ko ng ulam natin."

"Ano yan?"

"Pork singang po."

"Wow! Maasim ba yan?" She asked.

"Maasim na maasim po mommy!" Gusto ko kase yung asim-kilig e.

"Gusto ka yan! Tara let's eat na." Umupo na siya sa kabisera ng lamesa.

Hinango ko na yung sinigang at inilagay sa isang bowl pero napaso ako. "Ouch!"

Napatayo bigla si Axis. "Alice? What happened?"

"Wala. Napaso lang ako." Sabi ko.

"Saan?" Dahan-dahan siyang lumapit sa akin.

"Wala nga. Bumalik ka na dun para makakain na tayo."

Nagulat ako ng hinuli niya yung kamay ko. "Alin dito?" He sincerely asked.

Napilitan na tuloy akong ituro kung alin ang napaso. "Ito o."

"Hindi ka kase nagi-ingat. Tsk. You're not that careless before." Hay nako. I was once again compared with his Alice.

"Okay na nga kase sabi."

"No." Mahigpit niya itong hinawakan. "It's not yet okay unless I do this." Unti-unti niyang inilapit sa labi niya yung mga daliri kong napaso.

I jerked up when I felt his lips brush my fingers. I know he also felt that electricity too.

"Hay nako mga anak. Sorry to ruin the moment but your mommy is really hungry. Can we eat first and just continue that later?" Nag-init naman ang pisngi ko sa panga-asar ni mommy.

"Masakit pa ba?" Worried na tanong ni Axis.

"H-hindi na.." Utal-utal na sagot ko. I can still feel the warmth of his lips on my fingers.

"Kumain na tayo." Inakbayan niya ko at sabay na kaming pumunta sa dining table.

Ipinaglagay ko siya ng kanin at ulam sa plato para hindi na siya mahirapan pang kumain.

"Thank you babe." He said.

Naramdaman ko na naman ang pag-init ng pisngi ko. He called me babe. Pero siyempre, hindi para sakin yun. Para kay Alice.

"You're always welcome." I tried to make my voice sound happy. "Dasal na po tayo?"

Nagdasal na kami at nagsimula ng kumain. Tahimik lang nung una until they started to talk about business.

Tahimik lang ako na nakikinig sa kanila dahil wala naman akong alam sa pinagu-usapan nila. Napag-alaman ko na na-manage pala ni Axis yung negosyo nila for three years pero napahinto siya dahil sa aksidente. Sana talaga makakita na siya so that he can do things he wants to do.

"Sana ganito na lang tayo palagi." Napatingin ako sa kanya ng marinig ko yun.

"Ang alin?"

"Ikaw, ako, at si mommy. Sabay-sabay tayong kakain. Magku-kwentuhan. Tapos ipagluluto mo kami palagi. Sana hindi mo na ko iwan ulit."

I held his hand. "Hindi na ulit Axis. Hinding-hindi na." Kung pwede lang talaga Axis. But everything comes to an end. Pero sisiguraduhin ko na nakakakita ka na bago ako lumayo sayo.

***

Anong nagandang shipper's name for Axis and Kristen? Suggest kayo dali! 😄💞💕

UNSEEN TRUTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon