UT 6

1.3K 67 8
                                    

UT 6

"Uy." Tinapik-tapik ko yung braso niyang nakayakap sakin.

Kanina pa kami nakahiga sa kama niya. Wag madumi utak ha? Nanuod lang kami ng mga movies. Well, ako lang pala kase siya nakikinig lang.

"Gusto ko ng Jollibee."

"You hate that stuff." He said. Seriously? Sinong tao ang aayaw sa Jollibee? Specially with their burgers and spaghetti! Tapos idi-dip ko yung fries sa sundae? Ugh! Nakakagutom.

"Ah basta gusto ko ng Jabi!"

"Para kang bata Alice."

Ngumuso ako. "Gusto ko talaga ng Jabi Axis. Please. Please."

"Okay. Magpa-deliver ka na lang." He said.

"Eh ayoko. Gusto ko sa mismomg Jollibee tayo kakain."

"Deliver na lang."

"Eh please Axis. Kain na lang tayo dun. Please." Tinusok-tusok ko yung tagiliran niya. "Please. Please." Hindi siya kumikibo kaya pisngi naman niya ang oinisil-pisil ko. "Please po. I want Jabi!"

"Aish. Fine Alice. Magbibihis lang ako." Inalis na niya ang pagkakaakbay sakin.

"Yehey! Yehey!" Nagtatalon ako sa kama pero bigla akong na-out of balance mabuti na lang at maagap niya kong nasalo.

Our faces were just inch apart. Konting tulak na lang malapit ng magdikit ang mga labi namin. "Careful Alice." Damang-dama ko ang mainit niyang hininga. I wanted to pull his head and kissed him but I know it's wrong.

"M-magbibihis na ko Axis." Ako na ang kusang bumitaw mula sa pagkakayakap niya.

***

"Manong sa Jollibee daw po tayo." Nakaakbay na naman sakin si Axis habang magkatabi kami sa likod ng sasakyan.

"Kakain po kayo doon sir?"

"Si Alice lang."

"Hoy anong ako lang? Ikaw din no!"

"Ayoko nga. We can just drop by at Italianis to eat."

"No. Sa Jabi tayo kakain." Tinakpan ko ng daliri yung labi niya. "Hep! Wala ng kokontra." I heard him tsked pero hindi naman na siya kumontra pa.

***

"Grabe! Busog na busog ako." Napangiti ako ng makita kong hihimas-himas sa tiyan si Axis.

"See? Masarap naman diba? Aayaw-ayaw ka pa, eh mas marami ka pa ngang nakain sakin."

First time daw niyang nakakain sa Jollibee.

"You don't want to eat at fastfood chains before." He said. "You're a diet freak."

Pwes ako hindi. I don't care about my figure. Basta ako, kakainin ko lahat ng gusto kong kainin. Life is short. Ide-deprive ko pa ba ang sarili ko?

"Noon yun. Iba na ngayon. Halika lakad-lakad muna tayo." Inalalayan ko na siyang tumayo.

May park na malapit dito kaya pwede muna siguro kaming tumambay doon.

"May simbahan pala doon o. Tara simba tayo?" Aya ko.

"Ikaw na lang."

"Takot ka sa simabahan?" Takang tanong ko. "Huwag kang mag-alala, hindi ka naman masusunog e." Inakay ko na siya papunta sa church.

We prayed and stay for a while there. Maya-maya ay bumukas yung ilaw sa confession booth. Ibig sabihin may pari doon at pwede kang mangumpisal.

"Okay lang ba kung iwan muna kita dito? Magkukumpisal lang ako." Paalam ko.

"Sure." Ngumiti siya ng tipid.

"Sandali lang ako." Inayos ko muna yung buhok niya bago dumiretso sa loob.

"In the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit, Amen. Forgive me Father for I have sin."

"Please state your sins."

"Father may niloko po akong tao." Umpisa ko. "Hindi ko po intensyon na lokohin siya. I also want to help him."

"Anong klaseng panloloko ba yan anak?"

"Nagpanggap po akong girlfriend ng isang tao. He's blind and ayaw niya pong magpa-opera kaya naisipan ng mommy niya na humanap ng babaeng kaboses ng girlfriend ng anak niya. At ako po yun."

"Nagu-guilty ka ba anak?"

"Honestly Father, hindi po. Isang parte ng utak ko ang nagsasabi na mali ang ginagawa ko pero yung puso ko, gustong-gusto."

"Iniibig mo na siya anak." Sabi nito.

Umiling ako. "Hindi po. Naawa lang po ako sa kanya."

"Kung bibigyan ka ng pagkakataon na sabihin sa kanya ito, sasabihin mo ba?" Father asked me.

Sasabihin ko nga ba? "Hindi po. Ayoko po."

"Bakit anak?"

"Ayoko pong malaman niya ang totoo at kamuhian niya ko ng sobra. Ayoko pong magalit siya sakin. Ayoko pong mapalayo sa kanya."

"Iniibig mo na nga siya anak."

"Hindi po Father. Naawa lang po talaga ako-"

"Isa sa mga problema sa ating mga tao ay ang pagiging denial. Ayaw nating paniwalaan ang ayaw nating paniwalaan. Ipinipilit natin palagi na hindi natin gusto ang isang bagay pero sa totoo lang ay gustong-gusto natin ito. Pinapaniwala natin ang sarili natin na okay tayo, pero sa totoo lang ay hindi naman pala. At isa pa, we made ourselves believe that we do not love a person dahil hindi natin matanggap. Pero ang totoo, mahal na mahal na pala natin sila. Why am I telling you this anak? Because I want you to ask and talk to yourself. Pakinggan mo ang sinasabi ng puso mo. Kailangan natin pakinggan ang isip at puso pero dapat ding timbangin kung sino ba ang dapat masunod."

"Father.."

"Para sayo, magdasal ka ng isang Our Father at tatlong Hail Mary. Ipapanalangin ko na sana matanggap mo na kung ano ang totoo."

Lumabas akong magulo ang isip. Mahal ko na nga ba talaga si Axis?

***

Sinong natamaan sa sinabi ni Father? Taas kamay! ☺ Any, sorry for the slow update. I've been very busy this past few weeks. Babawi ako. May reader pa ba to? :)

UNSEEN TRUTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon