UT 39
"Good morning nanay!" Masayang bati ko sa kanya bago yumakap.
"Maganda ata ang gising ng anak ko a?" Nginitian ko lang siya. "May maganda bang nangyare na hindi mo pa naikukwento sa akin anak?"
Naalala ko na naman ang ginawa ni Axis kahapon. He kissed me! I flushed when I remember the feeling when his lips touched mine.
"Sige kunwari hindi ko na lang alam na hinalikan ka ni Axis."
Nanlaki ang mga mata ko at tinignan siya. "Nanay!"
"Oh bakit? Hindi ba totoo?" Nakangiting tanong niya sakin.
"H-hindi naman.. ano po kase-"
"Malaki ka na Kristen. Alam mo na ang tama at mali. Isa pa, malaki ang tiwala ko sayo. Alam kong hindi ka gagawa ng isang bagay na ikasisira mo. Ang importante sakin ay masaya ka."
Niyakap ko siya ng mahigpit. Sobrang swerte ko at siya ang naging magulang ko. "Maraming salamat nay. Mahal na mahal po kita."
"Mas mahal kita anak. Osiya gumayak ka na at baka mahuli ka pa."
Nagtataka naman akong humiwalay sa kanya. "Saan po?" Alas sais pa lang ng umaga at 10 am pa ang bukas ng restaurant. Masyado naman atang maaga para pumunta na dun.
"Nako ang anak ko. Nahalikan lang ni Axis-"
"Nanay naman e." Napakamot ako sa ulo ko. Asarin daw ba ako?
"Diba may lakad kayong magkakaibigan? Ipinagpaalam ka na nga niya sakin kahapon e."
"Pero nay-"
"Sige na anak. Gumayak ka na at ako na ang bahalang maggluto ng agahan."
"Pero-"
"Aba, kilos na anak. Hindi magiging kayo kung tutunganga ka lang diyan." Nginitian niya pa ako bago itinulak paakyat.
Bakit pakiramdam ko ibinubugaw ako ng sarili kong ina?
***
Minadali ko na ang pagbibibis ng marinig ko ang maiingay kong kaibigan sa baba.
Ang aga naman nila masyado. Tsk.
Hindi ko alam pero naisipan kong isuot yung dress na niregalo sakin ni Cathy nung birthday ko. Hindi ako sanay mag-dress dahil mas mahilig ako sa pants and blouse pero feel ko lang suotin to ngayon. Hindi naman siya ganun kaikli kaya tingin ko ay madadala ko naman ng maayos ang pagsusuot nito.
Naglagay na din ako ng kaunting powder at tint. Hindi ako sanay sa makakapal na make up kaya okay na ko sa ganito.
Nagsuot na lang din ako ng doll shoes para hindi ako mahirapan sa paglalakad. Knowing Aya and Cathy, alam kong puro gala ang gagawin namin.
"Grabe! Ang aga-aga niyo namang mag-ingay-" Napatigil ako sa pagbaba ng hagdan ng makita ko ang gwapong mukha ng Axis ko.
"Good Morning." He greeted me with a smile.
"Anong ginagawa mo dito?"
"I guess kasama ako sa lakad niyo?" Ngumiti siya ulit.
"Kasama ka?"
"Oo. Hindi ba nila nabanggit sayo?"
"Wala naman silang nababanggit sa akin." Napansin ko ang ginawang pagtingin sakin ni Axis mula ulo hanggang paa. Hindi ko tuloy napigilan ang mailang.
Magpapaalam na lang sana ko sa kanya na magpapalit ng damit pero biglang napalingon si Cathy sa side ko.
"Kristen!" Sigaw niya ng makita ko. "Wow! Buti naman at sinuot mo yan! Sabi ko na nga ba bagay na bagay sayo yan e."
"Cathy magpapalit ako ng damit-"
"Bakit pa? Bagay nga sayo e." Bigla namang lumitaw si Aya mula sa kusina.
"Pero kase parang ang igsi-"
"Hindi yan. Sakto lang yan. Halika na daw sabi ni tita."
"Pero-"
"Anak halika na-" Napatigil si nanay sa pagsasalita at mabilis na lumapit sakin. "Nako ang anak ko dalagang-dalaga na. Bagay sayo ang ganyang damit anak. Bili ka ng madaming ganyan ha?"
"Magpapalit po sana-"
"Why do you still need to change? You look perfect on that dress." Ramdam na ramdam ko ang pagi-init ng pisngi ko ng nagsalita si Axis.
Hindi ako nakakibo kaya tumikim si nanay. "Kain na tayo?" Tanong niya.
"Let's eat!" Masiglang sabi naman ni Aya.
"Namiss ko ang luto mo tita. Siguradong sira na naman ang diet ko nito." Natatawang sabi naman ni Cathy bago inakbayan si nanay.
Naiwan naman kaming dalawa ni Axis. Nahihiya akong nagbaba ng tingin ng mahuli ko siyang nakatitig sa akin.
"Bagay sayo yung damit Kristen. You look beautiful." He gave me a smile.
"Salamat." Hindi ko na din napigilan ang mapangiti.
Magi-inarte pa ba ko? Napapansin na ko ng mahal ko o.
"Kain na tayo? Ginugutom ako sa amoy e." Napahawak pa siya sa tiyan niya.
Natawa na lang tuloy kami pareho tsaka sabay na naglakad papunta sa dining table.
***
"Grabe tita! Iba talaga ang powers mo sa kusina! Ang saraaaaap." Hihimas-himas si Cathy sa tiyan niya habang nagsasalita.
"Mas gaganahan ka talagang kumain kapag may kasabay no?"
Napangiti naman ako kay Aya. "Pwede ka naman dito laging kumain e. Bukas nga din yung restaurant para sa inyo." Mag-isa lang na naninirahan si Aya sa bahay nila kaya alam kong nalulungkot siya.
"Sabi mo yan ha?"
"Oo naman." Ngumiti pa ko ulit.
"Oh kuya narinig mo yun ha? Bukas ang restaurant at bahay nila Kristen para satin." Agad ko siyang pinandilatan ng mata. Bakit sinasama niya pa yung pinsan niyang gwapo?
"Nagustuhan mo ba ang pagkain, Axis?"
"Opo tita. Ang tagal ko din na hindi nakakain ng ganito kasarap na pagkain. Iba kase ang pagkain sa States e."
"Dalasan mo ang pagdalaw dito hijo para naman maipagluto ka namin."
"Mukhang mapapadalas nga po." Sabi nito bago tumingin sakin.
"Maganda ba ang anak ko Axis?"
"Nay!" Nanlaki ang mga mata ko ng magtanong si nanay pero tinawanan lang nila ko.
"Axis pasensiya ka na kay nanay. Hindi mo naman kailangang sagutin-"
"Maganda po ang anak niyo." Tumitig siya sakin. "Magandang-maganda po."
"Aya! Magandang-maganda daw yung friend natin! Pakitulungan nga ako sa pagbuhat ng buhok niya." Inirapan ako kunwari ng Cathy habang halatang-halata sa kanya ang kilig.
Gusto ko ng kainin ng lupa ngayon mismo. Ugh! Wag ka ngang tumitig ng ganyan Axis, lalo akong nai-inlove sayo e.
"May pag-asa bang magustuhan mo ang anak ko?"
"Nanay!" Tumayo na ko at lumapit sa kanya. "Ano po bang mga tanong yan? Nakakahiya po sa bisita natin-"
"Hindi po." Para kong sinampal dahil sa sagot niya. That's it. Wala naman talaga kong pag-asa sa- "Hindi po malayong hindi ko siya magustuhan."
***
Hi everyone! I hope you like this update. Please keep safe. 💕
~ craziestamongtherest
BINABASA MO ANG
UNSEEN TRUTH
Teen FictionThe most important sense is the sense of sight. Without sight, we are people roaming this world without a vision. Without vision, we have no goals, nor do we have any desires, and we would not be able to bring positivity into this world. -Hiral Des...