UT 34
Kristen's POV
"Oo na. Eto na nga po sa entrance. Papasok na ko ng mall."
"Ang tagal naman. Tunaw na tong ice cream mo." Dinig kong sagot ni Cathy sa kabilang linya.
"Sabi ko naman kase sayo wag mo muna kong orderan e. Paano na lang kung na-traffic pa ko ng kaunti edi saya ng na yang binili mo?" Pangaral ko.
"Enough with that Kristen. Kaya tumatanda yang itsura mo e, lahat na lang gusto mong problemahin. Dalian mo na kase please."
"Kung binababa na natin tong tawag para mapabilis ako? Nape-pressure ako sayo e." Natatawang sagot ko.
"Hindi pwede. Kailangan mong sabihin sakin kung nasan ka na no."
"Nasa loob na nga po ako ng mall."
"Exact location please?" Dinig kong tanong ni Aya.
"Bakit naman tinatanong niyo pa? Anong ganap sa inyong dalawa?" Takang-tanong ko.
"Sagot na lang wag na madaming tanong."
"Fine. Eto na po kakababa ko lang ng elevator mga mahal na reyna."
"Saang side ka? Left or right?"
"Ang dami niyo pong tanong ha. Problema niyo po?" Tanong ko ulit.
"Saang side nga?"
"Left side. Para saan ba tong mga tanong-"
"Left? Okay. Bagalan mo ang lakad."
"Huh?" Naguguluhang tanong ko.
"BA. GA. LAN. MO. ANG. LA. KAD. BYE!"
Magtatanong pa sana ko pero naibaba na nila ang tawag ko.
Hindi ko na sila inintindi at imbis na bagalan ang lakad, mas binilisan ko pa.
"Hoy mga bruha!" Bungad ko paglapit sa kanila.
"Bakit naman andito ka na agad? Sa right side ka dumaan no?" Tanong sakin ni Aya.
"Ano bang problema niyo kung saang side ako dumaan? Ang importante nandito na ko sa harap niyo. Nasan na ice cream ko?"
"Nasa freezer pa. Order ka na dun." Sagot ni Cathy.
"Sabi mo umorder ka-"
"Umorder ka na dun sabi. Bilis."
Napakunot ako ng noo. "Alam niyo, ang weird niyong dalawa. May problema ba?"
"WALA!" Sabay pa nilang sigaw.
"Fine." Napataas ako ng dalawang kamay. "Wala na kung wala."
Dumiretso na ko agad ng counter para umorder.
Kasalukuyan kong hinahagilap ang aking wallet ng may biglang bumunggo sakin.
"Aray naman!" Napahawak ako sa balikat ko. "Next time po tignan niyo naman yung dinadaanan-Axis.."
"Kristen? Oh it's you. That's why your voice sounds familiar."
Nanlamig ang mga kamay ko. "What do you mean?" Kinakabahang tanong ko.
"Magkaboses kase kayo ng babe ko. You know, my love. My girlfriend." He smiled.
Pinilit ko ding gumanti ng ngiti kahit na ang gusto kong gawin ay ang umiyak. Kailangan talaga ganun i-describe yung girlfriend niya? Edi si Alice na ang swerte dahil mahal siya ng babe niya.
"By the way I'm really sorry. Hindi kase kita napansin-"
"Hindi mo naman talaga ko napapansin dahil na kay Alice ang atensiyon mo." Bulong ko.
"You're saying something?" He asked.
"Wala." I smiled. "Sabi ko okay lang ako. Sige una na ko."
"Pero wala ka pang naoorder."
"Oo nga pala." Napakamot ako sa ulo ko. "Nawalan na kase ako ng gana e. " Palusot ko. "Upo na ko dun. Hinihintay na ko nila Aya e."
"Sige. Pasensiya na na ulit ha."
"No worries." Ngumiti ako bago siya tinalikuran.
"Oh bakit ganyan mukha mo?"
"Nasan na ice cream mo?" Magkasunod na tanong nila sakin.
"Nakita ko siya." Hindi makapaniwalang-sagot ko.
"Sino/Who?"
"Yung taong pinakaayaw kong makita dahil nasasaktan pa din ako."
"Ayaw mo ba kong makita?" Napatayo ako sa gulat ng marinig ko ang boses niya. "It's okay. Idadaan ko lang naman sana sayo tong ice cream. I just really want to say sorry again sa pagkakabunggo ko sayo."
"Axis.."
"I'll go ahead. Bye girls."
"Why don't you join us?" Aminin ko man o hindi, gusto ko din naman siyang makasama..
"I thought you don't want to see me?" Pinilit kong iwasan ang nga titig niya.
"Hindi naman ikaw." Sagot ko.
"Let me guess, probably your ex?" He asked.
"Wala akong ex. Hindi pa ko nagkaka-boyfriend." Tumawa ako. Hindi pa naman talaga pero meron ng laman tong puso ko. Nagkaroon na din ako ng first kiss. Isama mo pa na may nakatabi na din akong lalaki sa pagtulog at lahat ng yun ay ikaw.
"Guys I'm sorry but I need to go. May emergency sa office." Biglang tumayo si Aya at nagpaalam.
"Pero Aya-" Pipigilan ko sana siya.
"I'm really sorry guys. Bawi ako some other time." Sabi niya bago nagtatakbo palabas.
Namayani ang katahimikan samin mula ng umalis si Aya.
"Shoot. I forgot! I have a meeting today. Kakapa-schedule nga lang pala nito kagabi, nawala sa isip ko. I'm really sorry guys. I have to go too. I'm already late!" Mabilis akong hinalikan ni Cathy bago umalis.
"Don't tell me, may kailangan ka ding gawin?" Napalunok ako sa tanong ni Axis.
Kahit na gusto kong sabihing oo, parang ayaw naman ng puso ko.
"Good because I really need a friend right now. Can you be my friend?" Inilahad niya ang kanang kamay sa harap ko.
"Oo naman." Tinanggap ko ang kamay niya. "Friends." Pinilit kong ngumiti.
Bakit friend lang? Hindi ba pwedeng girlfriend na lang?
BINABASA MO ANG
UNSEEN TRUTH
Teen FictionThe most important sense is the sense of sight. Without sight, we are people roaming this world without a vision. Without vision, we have no goals, nor do we have any desires, and we would not be able to bring positivity into this world. -Hiral Des...