UT 2

1.9K 77 4
                                    

UT 2

Kristen's POV

"KRISTEN!" Agad kong niyakap si Aya ng makita ko siya. "How are you? Si tita Karla kamusta na daw?"

"Madami pa daw tests ang gagawin Aya. N-natatakot ako.."

"Shhh. Everything will be okay. Hindi papabayaan ni Lord si tita. She will he healed." She assured me. "Do you need anything?"

"Kulang na kulang yung pera namin pambayad sa ospital."

"May dala kong pera-"

"Hindi na Aya. Inaayos ko na yung pagbebenta ng restaurant. Baka kasya na yun pambayad dito."

"Kristen paano na lang kapag binenta mo yun? Edi mas wala ka ng income. Papahiramin na lang kita tapos kapag may pera ka na, edi ibalik mo na lang." Sabi nito.

"Maghahanap akong trabaho." Pinilit kong ngumiti.

"Hay nako. Nakalimutan ko, ikaw nga pala si Kristen Starr. Ang taong ayaw na ayaw humingi ng pabor sa iba. Gusto lahat ng bagay, pinaghihirapan." Ngumiti ako sa kanya.

Hindi ako sanay na umaasa sa ibang tao. Gusto ko lahat ng meron ako, pinaghihirapan ko.

"Pero girl ha? Wag mong kalimutan yung offer ko sayo kahapon. Think about it. Makakatulong yun sayo at kay tita." Hindi ako kumibo. "Sorry ha pero kailangan ko ng umalis. Tumakas lang ako sandali sa office e. Babalik na lang ako dito mamaya ha? Si Cathy baka bukas na daw makapunta kase nasa business meeting siya sa Palawan. Take care okay?" Niyakap niya ako.

"Thank you Aya. You're a true friend." Naluluhang sabi ko sa kanya.

"Asus. Tama na iyak. Di ka na talaga makakahanap ng lovelife niyan. I'll send you the address of tita Beca okay? Kapag decided ka na, punta ka na lang dun. Nabanggit na din naman kita sa kanya e. Bye!"

Nanatali lang ako sa labas ng emergency room. I don't know what to think. Sa sobrang dami ng tumatakbo sa isip ko ngayon, hindi ko na alam ang dapat unahin.

"Ms. Starr?"

Napatayo ako bigla ng lumabas doon ang doctor na tumitingin kay mama. "Doc kamusta po ang mama ko?"

"We've been doing a series of tests at may nakita kaming bara sa puso niya kaya napapadalas ang paghihirap niya in breathing. I suggest na i-confine muna natin siya dito so we can observe her. Tatapatin na kita iha, maaring dumaan sa operasyon ang mama mo. She needs to do a series of tests at mahal iyon. Malaking halaga ang kakailaganin mo."

"M-mga gaano po kalaki doc?"

"The operation itself will cost you one and a half million pesos. Wala pa dun yung mga gamot at tests na kakailanganin niya."

Nanghihina akong napaupo. Saang kamay naman ng Diyos ko kukunin ang ganun kalaking halaga? Swerte na ngang mabenta ko ng kalahating milyon yung restaurant e. Tapos kung uutang naman ako sa mga kaibigan ko, masyadong malaki at hindi ko pa alam kung paano ko mababayaran.

***

Napatayo ako bigla ng bumukas ang pintuan ng library. Isang medyo mataba at maliit na babae ang pumasok mula doon. Bakas na sa kanya ang edad ngunit kitang-kita mo pa din ang kanyang kagandahan.

"Magandang hapon po." Bati ko sa ginang.

"Magandang hapon din. You must be Aya's friend, Kristen right?" Nakangiting sabi niya.

"Opo."

"Kaboses na kaboses mo nga siya." Hindi makapaniwalang sabi nito. "I was about to call you na din sana para pilitin kang pumayag sa plano namin pero naunahan mo ko."

"Pasensiya na po kayo Mrs. Steadman. Hindi na po ako nakapagsabi sa inyo na pupunta ako. Biglaan po kase ito. Sa totoo lang ayoko naman po talagang tanggapin tong trabaho pero kailangan ho. Nasa ospital ho ang nanay ko ngayon at kailangang-kailangan ko po talaga ng pera. Kakapalan ko na ho ang mukha ko. Alam kong ngayon niyo lang po ako nakita pero sana matulungan niyo po ako. Promise po na gagawin ko ang lahat para pumayag pong magpaopera yung anak niyo."

"Hija calm down." Tinapik niya pa ko. "You don't need to worry about anything. Ano bang nangyari sa nanay mo?"

"M-may bara daw po ang puso niya sabi ng doctor.." Nagsimula ng bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. "May maliit ho akong negosyo pero kahit ibenta ko ho iyon hindi pa sapat sa operasyon niya."

"May I ask where your father is? I hope you don't mind." She asked.

"Patay na po ang tatay ko. Nahulog ho sa bangin ang taxi na pinapasada niya."

"Sorry."

"Okay lang po." Pinilit kong ngumiti. "Matagal ko na pong natanggap ang bagay na yan."

Narinig kong bumuntong-hininga siya. "I remember myself with you Kristen. When I was 16 years old, my mom was dignosed with Cancer." Kwento niya. "My dad left us for another girl kaya kami na lang ng mom ko ang magkasamang nabubuhay. Wala din kaming malapitan na kamag-anak. Hanggang sa kinuha na din sakin si mom. Wala akong nagawa noon. Pinanood ko na lang ang mommy ko na unti-unting tinatalo ng sakit niya. That was my second heartache after dad left. I promised myself na I will do everything to succeed." Pinisil ni Mrs. Steadman ang gilid ng mata niya para mapigilan anh mga luhang nagtatangka ng bumagsak. "Ayokong maranasan ng mga magiging anak ko ang sinapit ko." Hinawakan niya ko sa balikat. "Kaya ikaw, maniwala ka sakin. Gagaling ang nanay mo." I smile at the thought. "Ako na ang bahala sa gastusin niyo sa ospital."

"Mrs. Steadman.." Hindi ko alam ang dapat kong sabihin. "Hindi naman po kailangang lahat dahil pwede ko pong ibenta yung negosyo-"

"No." Agad niyang sabi. "Just keep it okay? Paano kayo makakaahon niyan kung yung tanging pinagkakakitaan niyo mawawala pa?" Hindi ko na alam kung paano pipigilan ang mga luha ko sa pagpatak.

Napayakap ako sa kanya. "Maraming salamat po Mrs. Steadman!"

Bumitiw ako sa kanya ng may ngiti sa labi.

"Don't get me wrong hija. I really want to help you but I also need your help."

Tumango ako. Naiitindihan ko naman kung anong klaseng tulong ang kailangan niya. "Huwag po kayong mag-alala Mrs. Steadman. Gagawin ko po ang lahat para mapapagayag po si Sir Axis-"

"Hay nako hija. Sanayin mo ang sarili mong wag siyang tatawagin na Sir. Call him Axis. Pati ako, call me tita or mommy will do. And from now on, ikaw muna si Alice."

"Okay po Mrs.-.. I mean mommy.."

She smiled at me. "Good. Ibigay mo na lang sakin yung details regading sa mama mo." Tumango ako. "Oo nga pala, dalawang araw ng hindi kumakain si Axis. Baka pwede mo siyang silipin muna."

Nakaramdam ako bigla ng kaba. Kanina decided na ko na tanggapin tong trabaho nato tutal hindi naman niya ko makikita o makikilala. Pero ngayon na makakaharap ko na siya, parang gusto ko ng umurong.

Bago pa man ako makapagsalita, hinatak na niya ko papunta sa isang kwarto. She knocked three times before opening the door.

Bumungad sa amin ang isang lalaki na nakaupo sa gilid ng kama. Nakatalikod siya mula sa amin.

"Anak may bisita ka." Mommy Beca said kaya dahan-dahan siyang lumingon sa amin.

Nahigit ko ang hininga ko ng makita ko na ang mukha niya. Wow! He's definitely a God's gift to women. How come that Alice girl left him? Dahil lang nabulag na siya? Well, I don't believe her feelings for him were true dahil kapag mahal mo, kahit gaano kahirap at kasakit, hindi ka agad-agad susuko.

"Hija.." Bahagya aking tinapik ni mommy. Kanina pa pala nila ako hinihintay na magsalita.

"A-axis." I said.

***

What do you think loves? :)

UNSEEN TRUTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon