UT 15
Kristen's POV
"Saan ba kase talaga tayo pupunta?"
"Babe pang-ilang tanong mo na yan ha. Basta nga okay?"
"Bakit ayaw mo kaseng sagutin?" Nakangusong tanong niya. Hindi ko tuloy napigilang guluhin ang buhok niya.
"Kase po kapg sinagot ko edi hindi na surprise."
"Birthday mo pero ikaw ang may surprise? Unfair naman ata yun."
"Basta babe please wag ka ng makulit? Birthday ko naman kaya pagbigyan mo na ko."
"Okay po. Ikaw ang boss kaya ikaw ang masusunod."
"Good. Magpapaalam lang ako kay mommy ha."
"I-kiss mo na din ako sa kanya."
"Osige." Akmang bababa na ko ng pigilan niya ko. "Bakit?"
"Hindi ko pa nabibigay yung kiss na ibibigay mo kay mommy e." Sabi niya bago ako hinalikan sa labi.
"Baliw ka talaga!" Hinampas ko siya sa braso.
"Dalawang kiss na kaya ibigay mo kay mommy?" Sabi niya tsaka ako muling hinalikan.
"Tama na Axis-"
"Tatluhin mo na kaya babe?" Aapila pa lang sana ako pero maagap na niya kong hinalikan muli.
"Ang OA mo na ha! Hindi na tayo makakaalis niyan." Awat ko.
"Parang mas okay nga yun e. Dito na lang tayo sa bahay."
"Hindi pwede. Mas mage-enjoy ka sa pupuntahan natin." I assured him.
"Pero nage-enjoy naman ako basta kasama ka e."
"Oo na. Wag ka ng bolero diyan. Saglit lang ako."
Humiwalay na ko sa kanya pero ang mokong umisang halik pa ulit bago ako pinakawalan.
Dumiretso ako ng kusina kung saan ko inabutan si mommy Beca.
Nginitian niya ko pero halatang may lungkot sa mga mata niya.
"Okay lang po kayo mommy?" I asked.
"Patawarin mo ko Kristen."
"Bakit naman po?"
"Napakabait mong bata anak." Hinawakan niya yung mga kamay ko. "You don't deserve this."
"Mommy hindi ko po kayo naiintindihan."
"Alam kong mahal mo na ang anak ko Kristen. Nararamdaman ko at hindi ko mapigilang malungkot dahil ako ang nagdala sayo sa sitwasyong ito. I'm sorry."
Pinilit ko ang ngumiti. "Wala po kayong kasalanan mommy. Will po ito ni Lord. Hindi ko po alam kung ano ang dahilan pero nagpapasalamat pa din ako dahil nabigyan ako ng pagkakataong maging parte ng pamilya niyo kahit sandali lang."
Niyakap niya ko. "Once na pumayag na siya at matapos ang operasyon, pangako sasabihin ko sa kanya ang lahat."
Umiling ako. "Please mommy wag na po. Alam ko pong babalik si Alice. Mahal na mahal niya po si Alice mommy kaya mas mabuti na kapag nakabalik na siya ay maayos sila agad. Yun na lang po siguro ang pinakamagandang alaala ang maiiwan ko sa kanya."
Magsasalita pa sana siyang muli pero agad kong napigilan. Mabilis na kong nagpaalam at bumalik sa sasakyan.
"Ang tagal mo naman babe?"
"Sorry. Nag-usap pa kase kami ni mommy e."
"Ano namang pinag-usapan niyo?"
"Sabi niya sakin wag na wag daw kitang papabayaan kase mahal na mahal ka niya."
"Palagi naman akong magiging okay basta nasa tabi kita e."
Sana kapag dumating na yung oras na kailangan na kitang iwan, sana bumalik si Alice para maituloy yung mga nasimulan ko.
Sana habambuhay na siyang manatili sa tabi mo para mahalin at alagaan ka kagaya ng mga kaya kong gawin para sayo.
***
Miss them? Enjoy. ❤
BINABASA MO ANG
UNSEEN TRUTH
Teen FictionThe most important sense is the sense of sight. Without sight, we are people roaming this world without a vision. Without vision, we have no goals, nor do we have any desires, and we would not be able to bring positivity into this world. -Hiral Des...