UT 16

1K 44 9
                                    

UT 16

Kristen's POV

"Wake up babe. Nandito na tayo."

"Where are we?"

"Nasa Home of Angels tayo. Isa tong bahay-ampunan sa Antipolo na pinapatakbo ng mga madre."

"Anong ginagawa natin dito?"

"I want this birthday to be memorable. Ito ang unang celebration natin after so many years."

"Pero-"

"Babe wag ka ng matanong diyan. Basta halika na sa loob."

Nakaakbay siya sakin habang naglalakad kami papasok sa loob.

Kasunod naman namin yung driver at isang guard na may bitbit na mga laruan at pagkain para sa mga bata.

"Sister Annie namiss po kita! Kamusta na po kayo?"

"Mabuti naman at napadaan ka dito Kris-" Maingat ko siyang inilayo kay Axis.

"Sister may hihingin po sana akong pabor sa inyo, baka pwedeng wag niyo po muna kong tawagin sa pangalan ko. Promise po magpapaliwanag po ako sa inyo sa ibang araw."

Alam kong naguguluhan siya sa ikinikilos ko pero agad din naman siyang tumango.

Matagal ko ng kilala si Sister Annie. Madalas ko ding dalin si Cathy at Aya dito kaya nakaugalian na namin na kapag may birthday ang kahit na sino samin, dito ang celebration.

"Please sister, kahit ngayong araw lang po, isipin niyo po na hindi niyo ko kilala. Kahit ngayong araw lang po, isipin niyo na ngayon niyo lang po ako nakita."

"Hindi ko maintindihan ang nangyayare pero alam kong may maganda kang dahilan kaya sige."

"Salamt po Sister." Sabi ko tsaka siya niyakap ng mahigpit. "Namiss ko po kayo. Promise po magku-kwento po ako sa inyo."

"Aasahan ko yan hija. Halika na doon at mukhang naiinip na ang nobyo mo." Halata ang pang-aasar niya kaya nginitian ko na lang.

***

"You will be a great father babe." Hindi ko napigilang sabihin dahil sa nakikita kong paga-alagang ginagawa niya sa mga bata dito.

"Really?"

"Oo naman. Napakaswerte ng magiging asawa at anak mo."

"Maswerte ka." Pinisil niya ang ilong ko.

Maswerte si Alice sayo. Gusto kong sabihin pero mabuti na lamang at napigilan ko ang sarili ko.

"Ang swerte-swerte ko sayo." Sabi ko sa kanya.

"Ilang anak ba ang gusto ng misis ko?" Inakbayan niya ko gamit ang kanang braso niya habang buhat naman niya sa kaliwa ang isang batang babae.

"Gusto ko ng lima." Nakangiting sabi ko habang nakatitig sa ibang mga bata nag masayang naglalaro.

"Lima? Ang unti naman ata." Natatawang sabi niya.

"Loko. Gusto ko kase ng maingay na bahay. Yung magulo dahil sa sobrang daming tao. Gusto ko yung puro tawanan lang ng pamilya natin ang maririnig. Gusto ko yung masaya."

"Magiging masaya ang pamilya natin basta magkasama tayong dalawa." Mas idinikit niya pa ko sa kanya. "Diba baby? Kapag nandun si mommy at daddy mas masaya?" Wala namang ibang ginawa yung batang babae kundi ang tumawa.

Nagyakap kaming tatlo na akala mo ay isang masayang pamilya.

***

"Naalala ko dati sabi mo isa lang ang gusto mong anak."

"Sinabi ko ba yun?" Siyempre si Alice ang may gusto.

"Oo. Nakalimutan mo na? Isa lang ang gusto mong anak kase sabi mo ayaw mo ng magulo. Gusto mo marami pa din tayong quality time."

"Time changes everything babe." I answered.

"Yea. I must thank the time."

"Huh?" Naguguluhang tanong ko.

"I must thank the time for changing you." Humarap siya sakin.

Tinitigan ko ang mga mata niya at ramdam na ramdam ko ang sinseridad sa mga ito.

"Why?" I asked.

"I love all the changes that you have. I love you better now." Sabi niya bago ako hinalikan sa labi.

I wish you can see me now as Kristen not Alice.

***

Kristen and Axis. ❤

UNSEEN TRUTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon