UT 13
Kristen's POV
"Manang bakit po ang ingay?" Tanong ko sa isang kasambahay na nakasalubong ko paglabas ko ng kwarto.
"May mga bisita po si Sir Axis."
"Sino?"
"Si Maam Aya po na pinsan niya tsaka isang kaibigan." Nako. Aya and Cathy! Ano naman kaya ang pakulo ng dalawang yun?
"Sige po manang. Salamat."
Dumiretso na ko sa dining area dahil doon nagmumula ang ingay.
"Nandiyan na pala ang girlfriend mo kuya e." Sabi ni Aya ng matanaw ako.
"Morning. Kanina pa kayo?" I asked.
"Yes. Ang tagal mong gumising ha? Prinsesa?" Sabi naman ni Cathy kaya pinandilatan ko siya ng mata.
Nakalimutan niya yatang si Alice ako today. Ganyan kase yan makipag-usap sakin.
"Come here babe." Inabot ni Axis ang kamay niya sakin.
Naramdaman ko na naman ang pagi-init ng pisngi ko ng maramdaman ko ang labi ni Axis sa pisngi ko.
"Kumain ka na. Nagpagawa ako ng paborito mong sandwich."
"Ayoko nun. Anong ulam? Gusto ko ng kanin."
"Napapadalas yata ang kanin mo babe? Ayaw mo din mag-jogging or gym. Baka mamaya iiyakan mo na naman ako kapag napansin mong tumataba ka-"
"Pwede ba Axis? Kung ayaw mo kong i-comfort kapag iniyakan kita, edi wag! Just please stop comparing the old Alice with the woman infront of your right now. Kung ayaw mo ng mga pagbabagong nangyayare sa sarili ko ngayon, just tell me."
Humila ako ng upuan malayo sa kanya tsaka nagsimulang kumain.
I don't want to be rude pero napupuno din naman ako. Napapagod na kong makumpara kay Alice.
"Woah. Mukhang hindi ata maganda gising ng jowa mo ha Axis?" Biglang sabat ni Cathy. Inirapan ko lang siya. "Oh pano tuloy pa din ba tayo?"
"Siyempre naman no!" Sabi naman ni Aya na pinanlakihan pa ko ng mata.
"Let's ask Alice first if she wants to join. If she said no, then maybe next time."
"Alice na maganda." Mapang-asar na tumingin sakin si Cathy. "Nagpunta kami dito kase aayain sana namin kayo ng jowang mong si Axis na manood ng sine tas laro tayo sa Timezone."
Agad akong napangiti dahil sa gusto nilang gawin. Matagal-tagal na din simula ng makapanuod ako ng movie e.
"Mukhang ayaw niya ata guys. Maybe we'll do it next time-"
"No!" Pigil ko. "I like the idea. Tatapusin ko lang tong pagkain ko tas magbibibis na ko."
"Ayun naman pala kuya e. All set! Woohooo! Tapos magpunta din tayo sa ice cream parlor na favorite namin ng mga bestfriend ko ha?"
Mas hindi na nawala ang mga ngiti ko dahil sa suggestion ni Aya. Meron kase kaming ice cream parlor na palaging pinupuntahan. Kapag magkakasama kaming tatlo, hindi pwedeng hindi kami dadaan dun.
"By the way bakit hindi niyo kasama si Kristen?" Agad akong napatingin kay Axis ng magtanong siya.
"She's busy kuya e."
"Busy with what?" He asked.
'"Busy sa lovelife. Inlove si bruha e." Natatawang sabi ni Cathy bago humarap sakin.
"Interesting. Tell her I said hi."
"Sige kuya. Panigurado matutuwa yun." Kinurot ko si Aya dahil sa sinabi niya.
"Bakit naman?"
"Wala naman. She's just very friendly. Gustong-gusto niya kase yung nadadagdagan yung friends niya." Palusot niya.
"Oh. I hope I can meet her too."
"Gusto mo siyang makilala?" I asked.
"Oo naman babe. Hindi ka naman magseselos diba?"
"Hindi." I said. Hindi talaga. Sarili ko pagseselosan ko? Duh. Gusto ko ngang mapalapit sila e. Kung pwede lang talaga. "Sana nga makilala mo din siya minsan. She seem very nice."
"Yes." Tumayo siya at dahan-dahang pumunta sa upuan ko. "Bilisan mo na diyan babe. I miss watching cinema with you." He said bago ako hinalikan sa noo. "I love you. Wag ka ng magalit sakin okay?"
"Opo. Sorry." Na-guilty naman ako dahil sa ginawa kong pagsigaw kanina. Wala naman siyang kasalanan e.
"No worries babe. Magbibihis lang ako. Wag kang magsuot ng shorts okay? Wear jeans."
"Opo boss."
Ginulo niya ang buhok ko bago tumalikod at umakyat sa taas.
"Ano te? Kilig na kilig ka na diyan no? Ang swerte-swerte mo girl!" Niyugyog pa ni Cathy ang upuan ko.
"Ang swerte kamo ni Alice dahil may katulad ni Axis na nagmamahal sa kanya." Napangiti ako ng mapait.
Reality hits me. Swerte nga siguro ako sa posisyon ko ngayon dahil nararanasan ko kung paano mahalin ng kagay ni Axis pero at the end of the day, kahit anong gawin ko, si Alice pa din ang minamahal niya.
***
Gusto niyo din ba ng isang Axis? ❤
BINABASA MO ANG
UNSEEN TRUTH
Teen FictionThe most important sense is the sense of sight. Without sight, we are people roaming this world without a vision. Without vision, we have no goals, nor do we have any desires, and we would not be able to bring positivity into this world. -Hiral Des...