UT 38
Kristen's POV
Mahigit trenta minutos na kong nasa banyo. Ayoko talagang lumabas. Gusto ko paglabas ko dito, nakaalis na sila.
Nakaupo lang ako sa couch na nasa gilid ng sink. Ano ba Kristen. Hanggang kelan ka ba naman magtatago?
Huminga ako ng malalim bago tumingin sa relo ko. Alas tres na din ng hapon. Alam kong may trabaho silang tatlo kaya dapat nakabalik na sila ng opisina.
Tumayo na ko sa paga-akalang nakaalis na sila pero nagulat ako ng saktong pagkalabas ko ay siya namang pagpasok ni Axis sa hallway ng comfort room.
"There you are." Gulat na sabi niya ng makita ako.
"H-hi."
"I've been looking for you." Sabi nito at dahan-dahan na lumapit sakin.
"Why? May reklamo ba sa mga niluto ko?"
He gave me a half smile. "Kapag ba hinanap ka, tungkol agad sa mga niluto mo? Hindi ba pwedeng namiss lang kita?"
Napakunot ang noo ko. What is he saying? "Pwede ba? Tigilan mo ko sa mga kalokohan mo."
"I'm sorry. I just can't help it. Pakiramdam ko meron tayong connection na dalawa kahit na ngayon pa lang naman kita nakikilala."
Napaiwas agad ako ng tingin dahil sa sinabi niya. "B-aka.. baka ano.."
"Baka ano?" Napaatras ako ng dahan-dahan na siyang naglalakad palapit sakin.
"Baka pinsan ka kase ng bestfriend ko?" Tumaas naman ang kilay niya bago naglakad palapit sakin. "O-oo tama.. yun na nga siguro." Hindi ko na alam kung paano pang atras ang gagawin ko ng maramdaman ko na ang malamig na pader sa likod ko.
Lihim akong napamura ng itukod niya ang dalawa niyang kamay sa magkabilang gilid ko. His face is just an inch away from mine and I closed my eyes when I smell his familiar scent.
"I just notice that you are very beautiful." He touched my right cheek. "Kahit dati pa lang kapag nakikita kita, nagagandahan na ko sayo." He smiled.
"A-ano bang ginagawa mo?" Nag-iwas ako ng tingin sa kanya dahil hindi ko na kinakaya ang mga titig at kakaibang kiliti na binibigay niya sakin dahil lang sa simpleng paghawak niya sa pisngi ko.
"Binabaliw mo ako Kristen." Hinawi niya ang mga buhok ko na tumatakip sa aking mukha. Ilang na ilang na ako sa posisyon namin pero hindi ko siya magawang itulak dahil gusto ko lang na malapit sa kanya.
Kristen naman! Umayos ka nga! Kapag hindi pa to lumayo, hahalikan ko na to!
"Ano bang sinasabi mo Axis? Umalis ka na nga diyan-"
"Is it possible Kristen?"
Pinigil ko ang hininga ko ng ilapit niya pa sa akin ang kanyang mukha.
"Axis.."
"Posible ba na naging parte ka ng nakaraan ko ng hindi ko nalalaman?"
Does he know? Napakapit ako sa braso niya ng maramdaman ko ang panghihina ng tuhod ko.
Nanigas naman ang buong katawan ko ng hawakan niya ang bewang ko. Axis ano bang ginagawa mo? Ikaw yata ang bumabaliw sakin e!
"Axis.."
"There is something about you that I can't resist. There is something about you that I want to know more." Hinawakan niya ang nanginginig kong kamay at dinala sa dibdib niya. "There is something on your touch that gives me a familiar feeling." Tinitigan niyang muli ang mga mata ko. Pilit niyang hinuhuli ang tingin ko. "There is something on your stare that makes my heart beat."
Ano bang kalokohan to?
"And there is something on your lips.." Hindi ko na napigilan ang tuluyang pagpikit ng hawakan niya ang labi ko. "Something on your lips that I want to taste."
Napadilat akong muli dahil sa narinig. Aalma sana ko pero para na kong napako sa aking kinakatayuan ng bigla niyang ilapat ang kanyang labi sa aking labi!
We are kissing at the hallway for Pete's sake. Well it's not a torrid kiss or whatever. Walang labing gumagalaw o kung anupaman but it was just a long sweet smack pero parang libo-libong paru-paruro ang naglalaro sa tiyan ko.
Hindi ko siya nagawang itulak dahil alam ko sa sarili ko na gusto ko ang ginagawa niya. Oh how I missed his kiss. I really miss you my Axis.
"Sorry about that." Tumingin na lang ako sa baba ng maghiwalay na ang mga labi namin. "There is something on your lips na pakiramdam ko ay ilang beses ko ng nahalikan." Naramdaman ko ang pagi-init ng pisngi ko.
Oo Axis! Araw-araw mo kong hinahalikan nun! Hindi lang smack! Minsan may dila pa. Ugh! Ano ba Kristen, umayos ka nga!
Gusto kong sabunutan ang sarili ko. Ano bang nangyayari sakin?
"See you tomorrow, babe." Bulong niya sa may tenga ko bago umalis.
Tama ba ang narinig ko?
Tinawag niya ba talaga kong babe?
***
Ano na Axis? Bakit mo naman kase binabaliw si Kristen! ❤️😍
Anyway, nagustuhan niyo ba? Comment down your reaction please. 😊
Please like my FB Page at Craziestamongtherest. Add me on FB: Jelle del Rosario. And subscribe to my Youtube channel: Jelle del Rosario. Link is on my profile.
~ craziestamongtherest
![](https://img.wattpad.com/cover/85777388-288-k386212.jpg)
BINABASA MO ANG
UNSEEN TRUTH
Teen FictionThe most important sense is the sense of sight. Without sight, we are people roaming this world without a vision. Without vision, we have no goals, nor do we have any desires, and we would not be able to bring positivity into this world. -Hiral Des...