UT 37
Kristen's POV
"Anong ginagawa niyo dito?" Salubong ko kila Cathy pagkapasok nila sa restaurant.
"Magshoshopping, I guess?" Natatawang sagot ni Aya pero inis na hinawakan ko lang siya sa kamay.
"Aya!" Mahinang saway ko. Wala man lang mababakas na kaseyosohan sa mukha niya.
"What? Ano bang ginagawa sa restaurant Kristen? Kakain kami malamang." Balewalang sagot niya. Kung kumilos silang dalawa ay akala mo normal lang ang lahat.
"Pero bakit kasama niyo siya?" Hindi ko napigilan ang magtanong.
They are my bestfriend. Alam nila ang nangyare sakin, samin ni Axis. Dapat hindi na nila kami pinaglalapit pero bakit sila pa ang nagdadala kay Axis papunta sakin?
"Siya ang nag-aya okay? Libre daw niya so we said yes." Kibit balikat na sagot niya.
"Pero libre naman talaga kayo dito diba? Why do you still have to bring him here?"
"Nagayuma mo ata yan si Axis e. Luto mo daw ang hinahanap-hanap niya." Inirapan ako ni Cathy.
"Any problem?" Tanong ni Axis ng makapasok siya. Napansin niya siguro ang pagkukumpulan naming tatlo dito.
"Wala naman kuya. I guess my reservation sa restaurant na to so I think Kristen will not be able to acommodate us today."
Napaiwas ako ng mata ng tumingin siya sakin.
"Siguradong malulungkot si tita Beca niyan. Nagpapatake-out siya sayo ng food mula dito diba?" Napatingin naman ako kay Cathy ng bigla itong magsalita.
"Yeah. Even me I've been craving for their pork sinigang but I guess this is not the best time. Let's go?"
Inaya na niya ang dalawa pero sa akin pa din siya nakatingin!
Tumalikod na sila at eto naman ako kinakain ng kunsensiya ko. Wala naman talagang reservation ngayon sa restaurant. Ginawa lang yun ni Aya to make an excuse.
"Wait." Tumigil naman sa paglalakad yung dalawa. "You can stay at my office. I'll cook." Nakita ko naman ang pagkakangiti ni Axis.
***
"What did I miss?" Bungad na tanong ko ng makapasok sa opisina. Galing akong kusina para ipagluto sila ng personal at naabutan ko sila ngayon na nagtatawanan.
"Me."
"What was that?" Tanong ko dahil hindi ko narinig ang sinagot ni Axis. Si Cathy naman ay sumipol tapos si Aya ay ngumiti sakin.
"Nothing. Sabi ko tapos ka na bang magluto?" He asked.
"Sure ka bang yan yung sinabi mo kanina?" I can feel it. May iba siyang sinabi e.
"Yes. May gusto ka bang sabihin ko?"
Ano ba Kristen. Umayos ka nga. "W-wala." I shook my head.
"Ikaw?" Balik tanong niya.
"Anong ako?" Tinuro ko pa ang sarili ko.
"Ikaw, wala ka bang gustong sabihin sakin?" Naramdaman ko ang paglamig ng mga kamay ko.
"A-ano naman ang.. ang gusto mong sabihin ko sayo?" Nauutal na tanong ko. Axis naman! Pwede bang wag mo akong titigan? Ugh! Nawawala ako sa sarili ko e.
"Wala naman." He smiled at me. "Baka lang kase may gusto kang sabihin sakin na matagal mo ng tinatago." Para akong binuhusan ng yelo.
What was that? Alam na ba niya? Napatingin ako kila Aya at Cathy pero nagkibit balikat lang sila.
"Ano-" Naghahanap pa lang ako ng isasagot sa kanya ng biglang may kumatok.
Para kong nabunutan ng tinik ng pumasok ang mga staff ko.
"Good afternoon po. Nandito na po ang lunch niyo."
"P-pakiayos na lang sa lamesa Melba. Excuse me." Sabi ko tsaka dire-diretsong lumabas.
Dumiretso ako sa public comfort room ng restaurant. May sariling CR sa opisina ko pero ayoko dun. Isipin ko pa lang na kasama ko siya sa isang kwarto, para na kong nahihirapang huminga e.
Matagal kong tinitigan ang repleksyon ko sa salamin. Alam na kaya niya? Pero paano? Imposible namang sabihin nun dalawa. Kahit na pasaway yung mga yun, hindi nila ko papangunahan sa desisyon ko.
Ilang minuto na kong nakatayo sa harap ng salamin ng may biglang pumasok.
"Maam." Gulat nitong bati. "Nandito po pala kayo. Kanina pa po kayo hinahanap nila Sir Axis-"
"Wag mong sasabihin na nandito ako." Bilin ko sa kanya.
"Pero maam-"
Napataas naman bigla ang kilay ko. "Sino ba ang boss mo? Ako o siya?" Ayokong magtaray pero pasensiyahan na.
"Sige po maam. Pasensiya na po." Halatang nabigla siya sakin tsaka na siya tumalikod.
"I'm sorry." Sabi ko sa staff ko.
Ano ba Kristen? Ayusin mo nga yang sarili mo! Wag kang magpaapekto sa kanya. Wala siyang alam at isa pa may girlfriend na yung tao. Tigilan mo na.
BINABASA MO ANG
UNSEEN TRUTH
Teen FictionThe most important sense is the sense of sight. Without sight, we are people roaming this world without a vision. Without vision, we have no goals, nor do we have any desires, and we would not be able to bring positivity into this world. -Hiral Des...