UT 31
Axis' POV
"Babe samahan mo naman ako sa charity na pinuntahan natin."
"What charity?" She asked.
"Remember nung birthday mo, nagpunta tayo sa isang ampunan?"
"We're not into charity works babe. Paano naman kita dadalin sa ganun na lugar?"
"But babe-"
"Babe please. Stop okay? Wala pa tayong napupuntahan na ampunan kaya wag mo kong kulitin. Wala akong alam na charity."
Natigilan ako. Hindi ako pwedeng magkamali. I cannot forget that day dahil first time kong nagpunta sa ganun and I had so much fun.
"Ano? Tatayo ka lang ba diyan or what?"
"Huh?"
"May lakad tayo diba? We're meeting our college friends."
"Yea but I can't come."
"But you already said yes last week!" She hissed.
"I know babe. I'll just explain it to them. I really need to go to office today." I looked away. I cannot look directly on her eyes when I'm telling a lie.
"Hindi ba pwedeng i-cancel mo muna yan? This is important."
"I'm sorry Alice. We have a meeting with a very important person. I'll make it up to you okay?"
"Whatever!" Sigaw niya bago nag-martsa paalis.
This is one of Alice's side that I really don't want. Kung ano ang gusto niya ay dapat masunod but not this time.
I need to make a move because something is not right.
Nang masigurado kong nakaalis na si Alice ay agad kong hinanap si manong, my driver.
"Sir, hinahanap niyo daw ho ako?"
"Manong naalala mo pa ba nung bulag ako, nag-birthday si Alice at dinala niya ko sa isang bahay-ampunan."
"Sir ano kase-"
"Alam kong ikaw ang driver na kasama namin noon, hindi ako pwedeng magkamali. Dalin mo ko sa lugar na yun please."
"Hindi ko na alam ang daan sa lugar na yun Sir. Pasensiya na." Sagot niya habang pilit na iniiwas ang mga mata sa akin.
"Manong ngayon lang ako humiling sayo. Nakikiusap na ako. Kailangan na kailangan kong makapunta sa lugar na yun. Mayroon lang akong kailangan malaman."
"Hindi ko na-"
"I beg you manong. I need to know the truth. Gulong-gulo na talaga ko." Hinawakan ko siya sa balikat. "Please?"
Matagal bago siya tumingin sakin. "Ihahanda ko lang ang sasakyan Sir."
***
Matagal kong tinitigan ang bukas na gate ng bahay-ampunan na pinagdalhan sakin.
I don't know what's happening but I feel really nervous.
"Magandang tanghali ho. Ano hong maipaglilingkod ko sa kanila?" Salubong sakin ng isang madre habang naglalakad ako papasok.
"Good afternoon po. I'm actually looking for Sister Annie. Is she here?"
"Ah si Sister Annie. Nasa loob ho siya. Halika, sasamahan ko po kayo sa loob." Tahimik ko siyang sinundan hanggang tumapat kami sa isang opisina.
BINABASA MO ANG
UNSEEN TRUTH
Teen FictionThe most important sense is the sense of sight. Without sight, we are people roaming this world without a vision. Without vision, we have no goals, nor do we have any desires, and we would not be able to bring positivity into this world. -Hiral Des...