p r o l o g o

723 39 13
                                    


Pinaghalong kalayaan at kahangalan, napayakap ako sa aking sarili habang nakatayo sa gilid ng mahaba at lumang tulay na gawa sa kahoy. Naninibago. Malayo sa nakagisnan. Malayo rin ang aking tingin – kasing layo ng aking kagustuhang makarating sa puso niya – na siyang dahilan kung bakit ako nandito.

Isang huling sulyap ang aking pinukaw sa tahanang matatagpuan sa tabing-ilog. Mas lalo ko pang ikinubli ang aking sarili sa damuhan upang hindi nila ako mapapansin. Kung sabagay, wala na ang aking mga magagandang pakpak, kaya imposibleng matunton pa nila ako. Batid ko ring mahihirapan na akong makabalik. Parang mga bulang naglaho sa hangin, parang alaalang nalulusaw sa iisang kasunduan, hindi na nila ako maaalala pa dahil lamang sa aking kahibangan.

Wala nang lingunan, nagpatuloy ako sa aking paglalakad. Nakayapak. Nakasuot ng kasuotang hindi ako komportable, napatingin ako sa lalaking bitbit ang itim na maleta sa daan. Kaagad na bumilis ang tibok ng aking puso habang pinagmamasdan ko ang kaniyang mukha.

Mahal kong Henry...

Patakbo akong nagtungo sa kaniyang kinaroroonan, ngunit huli na ang lahat. Sumakay na siya ng sasakyan na may karatolang nakasulat ang salitang 'Pasay'. Humarurot ito ng takbo at napadaan pa sa aking harapan. Nasulyapan ko ang gwapong mukha ng aking pinakamamahal, bago ito tuluyang naglaho sa aking paningin.

Ayoko ring maglaho sa kaniyang buhay.

Hindi ito maari.

Sa labis na pagkadismaya, hindi ko mapigilang mainis. Kailangan ko siyang sundan sa kahit saang sulok pa ng mundong siya magtungo. Hindi pwedeng mapunta lang sa wala ang lahat ng aking sakripisyo. Gustong-gusto ko siya. Itawag man nilang kahibangan ang magkakahumaling ko kay Henry, subalit wala na akong pakialam doon. Aking lamang ang mortal na iyon.

Sa akin lamang.

Takipsilim ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon