kabanata xxxiv. nakatagong sikreto

102 15 2
                                    

Takipsilim
Kyrian18

NAKATAGONG SIKRETO

NANG MAKAPASOK na kami sa nasabing lagusan, isang pamilyar pigura ng lalaking nakatayo sa may lilim ng punongkahoy ang malayang nagmamasid sa amin. Naglakad ang hari papunta sa aming gawi na may ngiti at pananabik sa kaniyang mukha. Mahaba ang buhok nitong kulay puti na halos ay maabot na ang mga tuhod nito. Sumasayaw sa hangin ang puti nitong damit. Nakayapak ang mga paa sa lupang humahakbang papalapit.

Taliwas sa oras sa mundo ng mga tao, maaliwalas at maliwanag pa ang panahon dito, na wari'y kasing liwanag ng mukha ni Kuya Miel na inakala kong may galit sa akin. Hindi ako makapaniwala na ang hari mismo ang sasalubong sa aming pagdating.

"Maligayang pagbabalik," aniya. Yumuko ang lahat maliban sa akin at kay Vincent na hindi pa kilala ang kuya ko. "Mabuti naman at nakauwi kayo ng ligtas."

"Mahal na Hari," pag-uumpisa ni Zubil. "Ako'y humihingi ng paumanhin sa matagal kong pagkawala sa iyong kaharian. Nawa'y iyong mapapatawad ang kalapastangan kong dalhin si Prinsipe Yixon sa iyong teritoryo."

Sinulyapan ni Kuya Miel ang prinsipe ng mga tamawo sa kalunos-lunos nitong anyo at yumuko. "Ikinagagalak kong makita kang muli, aking kaibigan. Ako'y maligaya at nagtagumpay si Zubil na hanapin ka sa mundo ng mga mortal at dalhin muli sa aking kaharian."

Kunot-noo ako habang nagtinginan kami ni Vincent na wari'y naguguluhan sa eksena.

"K-Kuya," garalgal kong sambit habang nakayuko sa kaniyang harapan. "Mahal na Hari, ipagpaumanhin niyo ang aking ginawang kasalanan."

Imbes na magsalita si Kuya ng masasakit na salita na siyang matagal ko nang iniisip na mangyari, nilapitan niya ako at kinabig sa kaniyang mga bisig. Napatulala ako. Nagulantang sa mainit niyang pagtanggap. Nanlaki ang aking mga mata sa labis na pagkagulat. Hindi ko ito inaasahan. Mistulang huminto ang puso ko sa pagtibok bago ko ipinikit ang aking mga mata at ninanamnam ang yakap ng aking kapatid.

"Nais kitang awayin, sigawan, pagalitan, at sermunan. Subalit, nananaig ang pagiging Kuya ko sa 'yo, Prinsesa. Ikaw pa rin ng paborito kong bunso at wala akong ibang hinangad kung 'di ang iyong kasiyahan at manatiling nakangiti ang 'yong mga labi." Maya-maya pa'y paunti-unti na itong dumistansiya sa akin at hinarap ang tatlong lalaki na kasa-kasama ko. "Marami pa akong dapat sabihin, ngunit nababatid kong nawawalan na tayo ng oras. Samahan niyo muna akong lahat sa mahiwagang batis. Ang bawat katanungan ninyo at pag-iimbot ay doon ko na lamang sasagutin at ipaliwanag nang isa-isa."

🍁🌺🍁

ANG MAHIWAGANG BATIS na siyang puno't dulo ng lahat, hindi ako nakapaniwalang nakita ko na namang muli. Nakatayo kaming lahat doon sa may gilid.

"Hindi ka ba natatakot mahal na Hari na isinama mo kami sa sagradong lugar na ito?" tanong ni Zubil. "Naparito kami upang magbigay ng isang babala patungkol sa 'yong tagapayo."

"Nahuli na kayo ng dating," pangiting wika ni Kuya Miel. "Nasa piitan na ngayon ang taksil na si Riyon.

"Kung gayun ay malaya na ang aking prinsipe?" Lumiwanag ang mukha ni Zubil sa magandang balita.

Tumango si Kuya at saka muling nagsalita, "Aalisin ko na ang sumpa kay Prinsipe Yixon at nang magbabalik na siya sa tunay niyang anyo."

Kaagad kaming nagtinginan sa isa't isa. "Paano nangyari ito?" tanong ko.

"Nagbigay ng babala ang mahiwagang batis na ito na pinangangalagaan ng diyosang si Dalikamata. Nahuli ko si Riyon na pilit binubuksan ang lagusan sa pagitan ng mundo ng mga diyos at mundo ng mga mortal."

Takipsilim ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon