kabanata xiv. gawaing mortal

107 10 0
                                    

Takipsilim
Kyrian18

GAWAING MORTAL

SA KAHARIAN NA matatagpuan sa gilid ng rumaragasang ilog na pinagigitnaan ng dalawang pampang, masayang namumuhay doon ang mga engkanto. Malinis. Mapayapa. At kulay luntian ang buong paligid. Mayayabong ang mga punongkahoy na ilang daang taon nang nakatanim. Nirerespeto ng mga tao ang aming lahi kahit na nagbabago na ang mundo. Kinikilala pa rin ang aming teritoryo. At iyon ang matatawag kong munting paraiso.

Minsan nais kong itanong ang aking sarili kung tama bang sumunod ako sa tagapayo ng palasyo, kung tama bang pakinggan ang suhestiyon nitong sundan si Henry sa mundo ng mga tao.

Napasapo ako ng noo. Pinagmamasdan ko ang langit habang nagmumulay sa dati kong buhay.

Hindi gano'n kaganda ang langit dito katulad ng sa amin. Kaunti lamang ang makikitang mga bituin sapagkat palala na nang palala ang polusyon sa hangin at tubig sa mismong siyudad. Lumalabo ang dating malinaw sana. Katulad ng aking misyon na hindi ko na alam kung paano ko ulit uumpisahan. Sa isang iglap, namutawi ang mga magagandang alaala ng mga bagay na mayroon na ako ngunit isiniwalang bahala ko lamang noon.

"Balita ko mayaman ka raw, Ineng?"

Napapitlag ako nang marinig ko ang boses ni Aling Medring na bigla na lamang sumulpot sa aking tagiliran.

"Saan niyo naman po nalaman ang balita na iyan?" Bigla akong napuno ng kuryosidad.

Mas sanay akong hindi niya ako halos pinapansin, hindi katulad nitong mga nagdaang araw. Naging mas madaldal si Aling Medring.

Saka ko lamang pinansin ang malaking palanggana na bitbit nito na napupuno ng mga labahin.

Ngumisi siya sa akin. "Narinig ko lang sa inyo ni Vincent, Ineng. Galing kayong bangko para magdeposit ng pera."

"Ah, e gano'n ba?"

"Gaano ba kalaki ang pera mo, Ineng, at nagawa niyo pang i-bangko ang pera mo? Nakakatuwa at mukha ka namang 'di mayaman pero may pera ka pala."

Pangisi-ngisi ito sa aking harapan.

"Hindi ho ako mayaman, Aling Medring," pagtatama ko. "Mabuti na nga lang at kinupkop ako ni Vincent pansamantala. Nakakatipid ako."

"Mabuti naman kung gano'n. Papasok na ako sa kuwarto mo ha! Kukunin ko na ang mga labahin mo roon at nang maisama ko na sa aking paglalaba."

Tipid akong ngumiti at tumango.

"Ayaw mo bang tulungan na kita?" alok ko.

Ibinaba niya ang tingin papunta sa mga kamay ko. "Masisira lang ang makinis mong mga palad, Ineng. Hindi ka yata marunong kumuskos ng damit."

Para akong napahiya sa katotohanan na iyon.

"Kung nais mo Ineng na mahalin ka ng lalaki kapag mag-aasawa ka na, dapat matututo ka sa gawaing pambahay katulad ng pagluluto, paglalaba, paglilinis ng bahay, at kung anu-ano pa. Iyon lang ay pawang payong ina lang, Ineng. Huwag mong masamain."

"Kailangan ho bang matututo?"

"Oo naman, Ineng! Kapag babae ka, kahit paano ay kailangan mong pagsilbihan ang mahal mo. Iparamdam mo sa kaniya na mahalaga siya sa araw-araw," paliwanag niya. Humakbang na rin siya papalayo sa akin. "Mauna na ako, Ineng. Madami-dami pa akong labahin. Maiwan na kita."

🍁🌺🍁

NATARANTA AKONG NANG makitang tumutulo ang pulang likido sa aking daliri. Nabitiwan ko ang matalas na kutsilyong kinuha ko lamang sa may lababo, habang pilit kong iniinda ang namumuong kirot ng aking natamong sugat.

Takipsilim ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon