kabanata ix: pangalawang mahika

139 10 0
                                    

Takipsilim
Kyrian18

PANGALAWANG MAHIKA

"INIIROG MO BA ANG mortal na iyan, mahal na Prinsesa," pahayag ng isang nilalang na hindi ako pamilyar.

Napalingon ako sa pigura na nakamasid sa aking likuran. "Sino ka? At bakit ka naparito?"

Nabisto niya akong tinatanaw si Henry gamit ang mahiwagang tubig sa kalagitnaan ng batis. Iyon lamang ang aking madalas na ginagawa upang masilayan ang taong bumihag ng aking puso.

"Ikaw, Prinsesa, bakit ka naparito? Hindi ba mahigpit na ibinagbabawal ang iyong ginagawa?" ibinalik nito ang katanungan.

Nagtama ang aming mga mata -- ang kaniya na nanunudyo laban sa akin na nagtataka.

Nakatitig pa rin ako sa isang marikit na nilalang na napupuno ng mga mata ang buo nitong katawan. Perpekto ang hubog ng katawan nito at kulay kayumanggi ang balat.

"Natatangi ang iyong tadhana, Prinsesa Zatira. Ika'y mapupunta sa isang malaking desisyon -- mamimili sa pagitan ng buhay at kamatayan. Sana'y piliin mo ang mas nararapat ng nakararami."

Bago ko pa itong kung ano ang nais nitong ipabatid, napansin ko ang makulay na mariposa na lumilipad patungo sa tubig ng mahiwagang batis. Naglaho ito at agarang nagbago ang imahe na naroon.

Isang mortal na babae ang lumabas. Pamilyar sa akin ang hitsura nito ngunit wala siyang matandaan kung saan ko ito nakilala.

"Sino ang mortal na iyan? At bakit mo siya ipinakita sa akin? Ano ang iyong nais?" sunod-sunod ang aking tanong.

Ngumiti lamang ang kakaibang nilalang sa akin.

"Darating ang panahon na ang pagsikat ng araw ay hindi na ganoon kaganda kagaya sa isang takipsilim, mahal na Prinsesa."

"Ano ang ibig mong sabihin? Pakipaliwanag!"

Lumutang ito sa ere at pinalibutan ng liwanang ang buo nitong katawan.

"Kung pag-asa'y lulubog sa kawalan,
At babalutin ng takipsilim ang nararamdaman,
Kumapit sa ilusyon ng isang hangal,
Matatagpuan ang wagas na pagmamahal."

Mas lalong sumakit ang aking ulo sa mga mensahe nito na tila ba'y isang bugtong.

Napatingala ako.

Marami pa sana akong itatanong ngunit naglaho na lamang bigla ito at naging mga paru-paro ang buo nitong katawan. Nagliparan ang mga ito sa iba't ibang direksiyon.

Naiwan akong naguguluhan sa gilid ng mahiwagang batis.

🍁🌺🍁

BAGSAK ANG AKING dalawang balikat. Nanghihina. Nanlulumo sa aking desisyon. Halos dalawang araw niya akong kinulong at ginusto kong magpalipas ng gutom.

Sa ganitong sitwasyon, bigla na lamang sumagi sa aking isipan ang kakaibang nilalang na nagtataglay ng maraming mga mata sa buo nitong katawan.

"Walang kapantay ang 'yong ganda, Zatira," napagitla ako. 

Bumalik sa wisyo ang aking isipan.

Ito ang binungad sa akin ni Vincent nang sinunod ko ang kaniyang gusto, subalit hindi na ako natutuwa sa mga nagaganap.

Madilim ang silid ni Vincent. Wala akong maaninag na kahit ano, maliban lamang sa liwanag ng buwan na dumadampi sa may bintana.

Nababatid kong mas tumingkad ang makinang kong pigura sa kaniyang harapan sa mga oras na ito.

Takipsilim ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon