t e a s e r

880 29 6
                                    

May dalawang bagay na nais isakatuparan ni Zatira Horin nang magpasya siyang tumakas sa kanilang kaharian at maglakbay patungo sa mundo ng mga mortal. Una, mapaibig ang taong bumihag ng kaniyang puso bago pa man siya maglalaho sa nakatakdang oras. Pangalawa, linisin ang kaniyang pangalan na may kaugnayan sa napipintong delubyo sa hinaharap -- ang pagbubukas ng lagusan sa pagitan dalawang mundo, ang Lupa at Kaluwalhatian.

Doon sa siyudad ng Maynila ay magkukrus ang landas nilang dalawa ni Vincent Gaspar, ang binatang may itinatago ring lihim na may kaugnayan sa kani-kanilang tadhana.

Ang natatanging papel ng prinsesa laban sa mga tamawo, engkanto, at tambalan ay magiging daan upang matagpuan sa makabagong panahon ang diyosang may libu-libong mga mata.

Makakaya kaya niyang bumalik sa kaniyang pinanggalingan upang protektahan ang kaniyang nasasakupan kung nalalapit na rin ang kaniyang katapusan na siya rin mismo ang nagtakda?

Takipsilim ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon