kabanata xviii. bisperas

96 9 4
                                    

Takipsilim
Kyrian18

BISPERAS

PINAGMASDAN KO ANG aking repleksiyon sa pahaba at pabilog na salamin na nasa aking harapan. Kita nito ang kabuuan ng aking katawan, mula ulo hanggang paa. Simple lamang ang aking napiling damit na mismong si Annie, ang multong nakakatandang kapatid ni Vincent ang nagbigay sa akin ng suhestiyon kung ano ang dapat kukunin ko sa aparador. Hanggang sa mga oras na ito, hindi pa rin ako makapaniwala na ang multong inakala kong hindi mapapalagayan ng loob ay nagagawa na akong kausapin at ngitian.

Hindi maikukubli ang kasiyahan at kasabikan na namumuo sa aking sarili -- ang makapunta sa pinagtatrabahuan ni Vincent, sa kauna-unahang pagkakataon.

Nasa kusina pa rin si Aling Medring na abala sa pagluluto ng pansit bihon, biko, at iilan pang mga putahe na ipamimigay sa opisina nina Vincent. Ngayon kasi ipagdiriwang ang kaarawan nito, mas maaga ng dalawang araw kaysa sa mismong araw ng kapanganakan nito.

Sinadya iyon ni Vincent dahil tuloy na tuloy ang aming pagpunta sa sinasabi nitong resort sa Laguna at limitado lamang ang mga bisita nito roon.

Kinuha ko ang suklay na kulay-rosas na nakasabit sa may gilid ng salamin. Nagsimula akong suklayin ang mahaba kong buhok habang hinihintay ang boses ni Aling Medring na tawagin ako buhat sa ibaba. Minabuti kong ipuyos ito at lagyan ng asul na laso, na bagay sa kulay ng aking bestida na pinaghalung itim at asul. Hanggang tuhod lamang ang haba.

Nais ko sanang maglagay kolorete sa mukha na palagi kong napapanood sa TV upang mas maging maganda ang babae, ngunit hindi ako marunong. Ang kaya ko lang ay maglagay ng lipstick na akma sa aking gayak.

Muli kong pinagmamasdan ang aking sarili sa salamin. Kabado ngunit nagawa ko namang ngumiti. Maya-maya pa'y tumalikod na ako sa salamin, naglakad papunta sa pinto, at binabagtas ang pasilyo pababa ng hagdanan.

Nang makarating ako sa sala, hindi ko pa nakikita roon si Aling Medring. Walang ingay ang aking mga yabag sa sahig at dire-diretso akong naglakad papalapit sa may kusina.

Sumisilip lamang ako roon sa awang ng pintuan. Nakalatag na ang iilang mga pagkain na nilagay sa mga bilao, na nakalagay sa pabilog na mesa na gawa sa kahoy. 

Palihim akong nakangiti sa kasipagan ng kasambahay ni Vincent. Masuwerte siya at may isang katulad ni Aling Medring na palaging maasahan kahit pa walang amo na nakatingin.

"Hello?" Dinig ko na may kausap siya sa cellphone. Nakapagtataka at ngayon ko lamang nalaman na may cellphone din pala si Aling Medring. "Busy ako ngayon. Naghahanda ng pagkain para sa birthday ng amo ko. Sa Linggo na ang outing namin, huwag mong kakalimutan."

Iyon lamang ang winika ni Aling Medring at mabilis na pinatay na ang tawag at tinago ang cellphone sa kaniyang bulsa.

Hindi ko na lamang tinawag ang kaniyang pangalan o pumasok sa kusina. Bumalik ako sa sala at doon na siya hihintayin.

🍁🌺🍁

MALAYO SA AKING naiisip ng paglalarawan ng opisina ni Vincent. Hindi ito matayog at mas lalong hindi rin ganoon kalapad, katulad ng mga pinapanood ko sa telebisyon. Alas-tres na nang hapon nang makarating kami.

Pinagbuksan kami ng guwardiya ng malaking tarangkahan na sinadya yatang hindi pinturahan. Lulan ng inarkelang van, nakaupo si Aling Medring sa harapan at katabi ang tsuper. Nasa bandang likuran naman ako at katabi ng mga bilao na hinahawakan ko rin upang huwag malaglag at masira sa biyahe.

"Ineng, pasensiya ka na ha," sambit ni Aling Medring. "Naiwan ko 'yong ginawa mong keyk kay Ser Vincent. Sa dami ng niluto ko at mga bilao, hindi ko na napansin na hindi ko pala 'yon nakuha sa ref."

Takipsilim ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon