Niig

516 7 0
                                    

Halikan mo ako at iparamdam mo ang init ng salitang pagtitiwala.

Hawakan mo ako at patunayan mo sa akin na dito sa mundo may tayo at hindi lang ikaw, ako, sila at kami kundi tayo.

Hubaran mo ako sa lahat ng takot, pangamba at kalungkutan habang dahan-dahan mong ibinababa ang lahat ng bagay na maaari kong maging kakulangan.

Paibabawan mo ako ng mga salita ng pagtanggap. Tanggap ang init at halik. Ang ulan at araw. Ang umaga at gabi.

Gumalaw ka papasok sa aking kaibuturan para maramdaman ang nagmamadaling tibok ng aking puso na nagpapahiwatig ng mga salitang lagi mong naririnig sa libro at pelikula pero ngayon mo lang naramdaman ng totoo.

At kapag malapit na.

Kapag malapit ko nang ilabas...

Ang lahat ng aking kapintasan at ipakita sayo kung paano ako nagsimulang maniwala sa mga salita mo, dalhin mo ako sa rurok, sa mundo na yayakapin mo ako nang mahigpit at ibabalik mo lahat ng suot ko dahil lalamigin ako.

Lalamigin ako kung wala ang init ng pagmamahal mo. 

Ang Mga Salitang Isinulat Ko Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon