Please, pagbigyan mo na ako

41 1 0
                                    

'Wag ka nang magalit kung namantsahan ko ang paborito mong T-shirt. Pasensya na, hindi pa kasi ako marunong maglaba nang nasusugatan. Magmahal nang hindi nasasaktan. Ang tapang kasi ng sabon. Ang tapang kasi ng pride mo.

'Wag ka nang ma-badtrip dahil sunog na naman ang sinaing. Hindi na naman tayo makakakain. Napalakas kasi ang apoy ng kalan. Napakalas yata ang alab ng damdamin ko sa 'yo kaya hindi mamatay-matay.

Alam kong ayaw mo nang pinapatay ang ilaw kapag matutulog na tayo. Dahil natatakot ka sa dilim. Dahil sabi mo, wala kang makita at hindi ka makakatulog. Pero wala nang mas nakakatakot pa iyong magising ako na wala ka na sa tabi ko. Tipong kahit bukas naman ang ilaw, blangko pa rin ang nasabing espasyo.

Pagbibigyan din kita kung gusto mo na matamis ang kape mo. Ipagtitimpla kita sa paraang ikatutuwa mo. Lalagyan ko ng maraming asukal para naman maging matamis na uli ang dating ko sa 'yo. Para naman makita mo na minsan sapat na ako sa mga mapapait na bahagi ng buhay mo.

Kaya naman mahal, pumayag ka na o. Pagbigyan mo na ako. Hayaan mo na akong pumasok uli diyan sa puso mo.

Promise, hindi ko na susunugin ang sinaing dahil kakain na tayo.

Ang Mga Salitang Isinulat Ko Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon