Nakalimutan ko...ang pangalan ko

104 1 0
                                    

Isinulat kita sa paraang alam ko.

Binuo kita gamit ang mga akala at pangarap ko.

Ng mga luhat at ngiti. Ng mga tawa at hikbi.

Inihulma kita sa pamamagitan ng mga alaala at alalahanin ko.

Binuhay kita ng tamis, pait, alat, asim, tamis at pait uli.

Isinulat kita bilang katumbas ko sa mundo

Pero nakalimutan ko pa lang idagdag sa salitang 'mahal mo'

Ang pangalan ko.

Ang Mga Salitang Isinulat Ko Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon