Pinakasamakit Na Salita Sa Lahat

293 7 0
                                    



Akala ko wala nang mas sasakit pa sa salitang, "hindi na kita mahal"

Naisip ko ang sakit ng kalamnan sa oras na sabihin niya sa 'yong "tama na,hindi na kita mahal"

Daig mo pa ang tinanggalan ng isang baga, isang bato, isang daliri, pilikmata, buhok sa binti, buhok sa kili-kili sa mga salitang, "tapos na tayo, umalis ka na."

Na ang "Ayoko sa'yo" ay parang anay na unti-unting sumira sa kahoy mong puso. Marupok. Madaling bumigay. Babagsak na.

Pero mali ako, dahil kung mayroong salitang may kakayahang sumira sa kabuuan ng sinuman, iyon ay ang "Paano kung..."

Paano kung hindi tayo nagkita sa madilim na iskinita ng Marikina?

Paano kung wala akong dalang payong noong gabing maulan at hanggang tuhod ang baha, at naroon ka nilalamig sa waiting shed, puyat na puyat ang mga mata.

Paano kung hindi ko kinain iyong kwek-kwek na binili natin sa Morayta na pilit mong iniaabot sa akin kahit pa kakain lang natin ng double rice sa karinderiya?

Paano kung hindi kita nabilhan ng paborito mong libro dahil wala akong pera?

Paano kung wala ako para yakapin ka noong mga panahong, bumagsak ka sa Economics, Physics at Algebra?

Paano kung hindi kita nabilhan ng royal at skyflakes dahil nilalagnat ka?

Paano kung hindi ako sa umuupo sa tabi mo na at nagtanong kung kumain ka na?

Paano kung hindi mo tinugon ang mga halik ko na hindi na yata magsasawang pang hagkan ang lahat ng mayroon ka?

Paano kung hindi mo na kayang tumawa sa mga corny kong jokes habang sa LRT tayo ay nakapila?

Paano kung ayaw mo nang maglakad ng magkahawak kamay sa Luneta?

Paano kung ayaw mo nang makita ang mukha ko sa bawat umaga, hapon, magdamag at umaga?

Paano kung ayaw mo na ng isaw, balat at inihaw na tenga?

Paano kung ayaw mo na ng pakbet na sabay nating binibili kapag lunch break na?

Paano kung hindi ka umalis noong gabing nasigawan kita?

Paano kung hindi ka na masaya?

Paano kung hindi mo na ako gustong makita?

Paano kung hindi mo hinakbang ang mga paa mo pabalik sa kanya?

Paano kung ako ang pinili mo ay siya na?

Paano kung wala ka na?

Paano kung ang mga ngiti mo ay pag-aari na ng iba?

Paano na ako kung wala ka na?

Gusot kong isulat ang masakit na katotohanan na paano kung hindi mo na talaga ako mahal.

Na paano kung ako lang pala talaga ang umaasa sa ating dalawa.

Ang Mga Salitang Isinulat Ko Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon