Alas-dos

51 3 0
                                    

Paboritong oras ko ang alas-dos
Alas-dos nang madaling araw
Madaling araw na tayong dalawa lang
Uupo sa ilalim ng ilaw ng posteng patay-sindi
Parang puso kong tumitibok nang matindi
Humagapalpak ka pa sa kakatawa
Nautot ka pa dahil sabi mo puwede ko nang palitan si Vice Ganda
Pero ang sagot ko?
Puwede ko ba siyang palitan diyan sa puso mo?
Malamang sa hindi
Kaya nga tayo nagtitimpi
Nagtitimping huwag lumampas sa kung ano ang maaaring mangyari
Natatakot humakbang sa linya na gawa lang sa pisi
Madaling putulin, puwede ngang kagatin
Hinawakan mo ang kamay ko
At muntik na akong sumigaw na sana,
Mahawakan ko naman ang puso mo
Kaso lang, wala pala iyon sa 'yo
Dahil ibinigay mo sa iba
Ipinaubaya mo sa kanya
Kaya sige, holding hands na lang muna tayo
Saka na ang holding hearts
Kapag malaya ka nang mahalin ako
At napakawalan mo na ang mga alaala niyo

Alas-dos na naman pala
Nasaan ka na ba?
Naghihintay na ako sa ilalim ng poste ng Meralco
Teka lang baka maputulan na kami
Baka maputol na rin ang kung anong meron tayo

Hindi ko na pala paborito ang alas-dos
Dahil lahat ng oras na dumarating ka
Okay na ako
Alas-tres na, alas-kuwatro
Sige na, sa 'yo na ako.

Ang Mga Salitang Isinulat Ko Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon