Tayo lang. Ikaw lang

45 2 0
                                    

Hindi natin kailangang patunayan sa mundo na kaya nating tumawid ng malalayong distansya.
Na kaya nating pumunta sa mga lugar na napuntahan na ng lahat.
Mga lugar na kilala na ng bawat makakasalubong ng ating mga mata.
Hindi natin kailangang ipakita sa kanila kung gaano tayo kasaya. Kung ako kasaya. Kung gaano kasarap marinig ang mga tawa mo. Kung gaano kasaya.
Wala tayong kailangang ipakita. Walang mga salita. Hindi kailangan ng mga letra.
Dahil hindi sasapat ang mga simpleng larawan. Dahil hindi naman nila kailangang malaman. Ayokong ipaalam.
Ayokong may makaaalam
Ayoko kitang isapalaran
Sa mundo na puro pakitang-tao lang.

Ang Mga Salitang Isinulat Ko Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon