Dumating Ka

84 2 0
                                    

Sa daming beses kong natapilok

Sa daming beses kong napatid

Sa hindi mabilang na pilay, pasa at bugbog

Kakahanap ng masisilungan

Kakahanap ng init sa gitna ng kalamigan

Kakapigil sa mga luhang hindi ko magawang pigilan

Sa walang kapagurang pagtakbo, paglangoy at pagsisid sa ulap ng takot

Sa dagat ng pangamba

Sa kagubatan ng kawalan ng pagtitiwala

Sa kakahanap ng kinang sa mga matang matagal nang nakatulala

Sa kakapilit na ngumiti dahil pagod nang ngumiwi

Natagpuan kita

Natagpuan kita sa kabila ng sira-sirang distansya

Sa pagitan ng mga sapang wala nang tubig para makahinga

Natagpuan kita

Sa kasuluk-sulukan ng karagatan ko ng pangungulila

Natagpuan kita

Nang maligaw ako sa langit na puno ng akala ko

Akala ko masaya

Akala ko wala na

Pero hindi pala, dahil wala ka

Dahil natagpuan kita

Sa ibaba ng kawalan

Sa daloy ng aking mga luha

Natagpuan noong mga panahong akala ko katapusan ko na

Natagpuan kita sa gitna

Sa gitna ng lungkot at saya

Sa gitna ng dilim at liwanag

Natagpuan kita habang pilit kong hinahawakan ang mga lubid ng pag-asa

Noong mga oras na malapit na akong bumitaw

Natagpuan kita noong akala ko matatapos na

Dumating ka

Ang Mga Salitang Isinulat Ko Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon