Sana sinabi mo na lang...

104 3 0
                                    

Sana sinabi mo na lang na ayaw mo na. Sana sinampal mo na lang ako ng katotohanan. Sana hinila mo na lang ako paitaas. Sana iniligtas mo na lang ako at pinatay. Habang nalulunod ako sa mga bagay na akala ko mahalaga. Habang binubulag ako ng mga pagkakataong akala ko masaya. Habang ginagawa kong bingi ng sarili ko sa mga salitang 'mahal kita'. Habang nanatili akong pipi at pinipigilan kong sumigaw dahil ang sakit sakit na. Habang pauli-ulit akong tumatayo...dahil mahal kita.

Sana sinabi mo na lang na ayaw mo na. Sana itinigil mo na lang.

Sana sinabi mo na lang na... Hindi na kita mahal, tangina.

Ang Mga Salitang Isinulat Ko Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon