Ako Naman

46 2 0
                                    

Ako naman

Ako naman ang makakalimot at ikaw naman ang makakaalala

Sa mga lumipas na anibersaryo at kaarawan

Sa pusong nanlalamig dahil hindi maarawan

Ng pagmamahal

Ng pagmamahal na hindi mo na maalala

Ikaw naman ang maghanap

Ako naman ang hindi gagalaw

Pero tatakbo palayo habang humahabol ka sa walang katapusang daan

Habang namamaltos ang mga paa mo sa masikip na sapatos

Sa masikip mong mundo na hindi ilang beses kong pinagtangkaang pumasok

Ako naman ang tataas para maabot ang hangganan

At ikaw naman ang maiiwan sa simula

Magsisimula ka uli. Magsisimula ka uli sa akin.

Simulan mo sa mga araw na hindi pa ako bingi at bulag

Sa araw na wala pa akong kapaguran

Sa mga oras na desido pa akong patunayan sa 'yo

Na maaaring hindi bagay ang kailangan mo kundi ang katulad ko

Pero ngayon, ako naman

Ako naman ang makakalimot at hindi makakaalala sayo.

Ang Mga Salitang Isinulat Ko Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon