Pero at Paano

31 1 0
                                    

Kumakain ako ng mani nang maalala kita. Sabi mo dati, hindi ka kakanin n'on dahil magkaka-tigwayat ka. Sabi ko naman, kahit magka-buni, anan, alipunga ka pa sa mukha, ayos lang. Bakit naman hindi na kita mamahalin dahil lang may mali sa hitsura mo? Puso mo naman ang una kong nakuha hindi iyang mukha mo. Ngumiti ka lang at hinalikan mo ko, sabay sabing, "Tara mani pa tayo,"

Naglalakad ako sa Morayta nang mapadaan ako sa hepa lane. Hindi ka naman mukhang isaw o tainga ng baboy, pero bakit nandoon ka? Bakit kahit saan ako lumingon sa eskinitang iyon nakikita ko ang buong-buong ikaw? Ah, dahil pinuno ko pala ang lugar na iyon ng alaala mo. Ng alaala natin. Na kahit mabaho, mausok, puro polusyon, babalik at babalik pa rin ako doon. Dahil baka naiwan doon ang puso ko. Sorry, mali dinala mo pala ang puso ko. Ang lahat ng mayroon ako.

Sabi ko hindi na ako manonood ng kahit anong pelikula sa future nina John Lloyd at Bea. Dahil ayokong umasa na isang araw babalik ka, pipiliin mo ako. Dahil iyon ang sinabi mo noon sa sinehan nang nanood tayo, "I am your Popoy,"
Sorry, dahil hindi ako ang Basha mo.
Dahil ako lang ito. Ako lang. Ang ako na umaasa pa rin sa iyo. Sa tayo. Sa posibilidad na baka puwede pa. Baka kaya pa.

Kahit pa matagal ka nang bumitaw. Kahit pa matagal ka nang hindi kumakain ng mani dahil nauumay ka na. Dahil nagsawa ka na. Kahit hindi ka na dumadaan sa Morayta dahil hindi mo na matiis ang baho. Dahil puro kapintasan na lang ang nakikita mo. Puro mali ko na lang ang napupuna mo.

Puro ka na lang pero.
Ako naman si puro paano.
Paano kung mali lang pala ako? Paano kung pagod ka lang, stress lang.
Pero ikaw,
"Pero kasi, hindi na ikaw 'yong dating nakilala ko."
Pero ang totoo kasi pala, hindi na ako ang mahal mo.

Sobrang gago mo. Sobrang gago nito.

Ang Mga Salitang Isinulat Ko Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon