Pista Ng San Juan

61 1 0
                                    

Isang beses lang ako pumunta sa Pista ng San Juan dahil ayokong mabasa.

Ayokong mabuhusan ng tubig. Ayokong makita mo akong parang tangang nagtatampisaw sa aspalto. Baka kasi sabihin mong madali akong mauto sa mga bagay na akala ko totoo.

Hindi ko gusto na isipin mo na madali akong pasayahin.

Dahil alam kong mas higit pa sa pagkakabasa ang gusto mo. Higit pa sa simpleng parada ang mga plano mo. Dahil alam ko? Napakahirap mong abutin.

Pero gagamit ako ng hagdan kung kinakailangan. Lalangoy ako kung malayo ang distansya mo.

Sasama ako sa Pista ng San Juan.

Habang nakaupo ka sa kanto, nakatingin. Magpapakabasa ako. Magpapabuhos ng tubig. Magsasakripisyo.

Sasama ako sa Pista ng San Juan

Magpapakabasa ako

Para hindi mo makita ang mga luha ko.

Ang Mga Salitang Isinulat Ko Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon