Sa Taong Mamahalin Ako

52 1 0
                                    

Sa taong mamahalin ako,

Madali akong magalit sa mga maliliit na bagay. Pakiramdam ko nga ipinaglihi ako sa sama ng loob. Madalas kapag mainit ang panahon, mas lalong mainit ang ulo ko. (Kaya tandaan mo 'to)

Ayoko ng kare-kare kahit gaano pa kasarap ang luto. Hindi ko kasi gusto ang lasa ng peanut butter na hinahalo sa karne ng baboy at isasabaw sa kanin. Pero kung ipagluluto mo ako ng kare-kare, baka pag-isipan ko. Baka pikit-mata kong isalpak sa bibig ko ang tuwalya ng baboy na may peanut butter (Dahil matagal akong naghintay sa 'yo)

Speaking of peanut. Mapili rin ako sa tsokolate at ice cream. Ayoko ng may mani. Ayokong nagagasgas ang dila ko habang nginunguya ang tamis niyon. (Pero please bigyan mo naman ako ng Ferrero)

Hindi ako mahilig lumabas. Taong-bahay ako. Isa akong dakilang mangmang sa mundo. Mas gusto kong matulog na lang sa kuwarto. Pero kung ilalabas mo ako at magda-date tayo. Aba, siyempre papayag ako. Magpapaganda ako para sa 'yo para naman di mo masabing jologs ang girlfriend mo.

Mahilig ako sa libro kaysa bulaklak (Kahit parehong halaman iyon) pero at least ang libro matagal bago maluma, matagal bago malanta. Kaya kung ang pag-ibig mo ay parang libro, kahit basahin ko nang paulit-ulit hindi magsasawa ang puso ko.

Gusto ko ang konsepto ng ulan. Gusto kong mabasa ng ulan. Gusto kong maglakad sa ulan. Iyong lamig na sumisigid sa kalamnan ang kinasasabikan ko. (Pero hindi ko kakayanin ang panlalamig mo kung nagkataon)

Kaya kung mababasa mo 'to, isa lang ang masasabi ko. Hindi pa 'to tapos. Marami pang kasunod. Marami pa akong ayaw at gusto.

Pero isa lang tinapos ko

Tinapos ko na ang lahat ng pag-aalinlangan sa nararamdaman ko

Dahil alam kong darating ka

At marami pa akong gustong sabihin sa 'yo.

Ang Mga Salitang Isinulat Ko Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon