Wala Na Tayong Oras

116 3 0
                                    

Wala nang oras

Tumakbo ka na

Habang baliw pa ako

Habang hibang pa ako

Habang hindi ko pa alam ang buong katotohanan

Habang naniniwala pa ako sa 'yo

Habang mahal pa kita...

Wala nang oras

Tumakbo ka na

Habang baliw ka pa

Habang hibang ka pa

Habang naniniwala ka pa

Habang naiisip mo pang mahal mo 'ko

Wala nang oras

Wala kang oras

Tatakbo na ako

Ang Mga Salitang Isinulat Ko Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon