Bagong taon; bagong ako

107 0 0
                                    

Magpapalit na naman ang taon

Pero ang tibok ng laman sa dibdib ko ayaw pang umahon

Para tumibok na nang deretso

Para makalimot na sa mga pangako

Para makalimutan na ang mga nasayang na "mahal kita"

Na napalitan na ng mga "sana"

Para makalimutan na kita.


Makalimutan ko na ang tatlong daang araw na ginugol ko sa paglanghap sa amoy mo na inipon ko

Sa pagdama ng init ng mga bisig mo sa panaginip ko

Sa pagkapa sa kabilang bahagi ng kama

Na may bakanteng espasyo

Dahil wala ka dito

Wala ka na pala sa tabi ko.


Kaya magpapalit na rin ako ng istilo ngayong bagong taon.

Hindi na kita alalahanin.

Hindi na ako babalik sa simula natin

Na nagwakas kaagad

Sa istorya nating natuldukan sa isang iglap


Magpapalit na ako ng istilo

Maglalakad na ako ngayon palayo

Sa mga ngiti mo, sa mga mata mo

Dahil babalik na ako sa mga yakap mo.

Babalik din pala ako...

Sa 'yo.

Ang Mga Salitang Isinulat Ko Para Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon